Friday , November 22 2024

Maling Kahilingan

USAPING BAYAN LogoSA FILIPINAS lamang yata tayo makakakita ng mga malakihang pagkilos na ang layunin ay pu-wersahin ang pamahalaan na huwag imbestigahan ang mga umano’y anomalya o krimen na naireklamo sa Department of Justice (DOJ) dahil ito ay paglabag daw sa “separation of church and state.”

May kung ilan libong kasapi ng Iglesia ni Cristo (INC) ang nag-rally sa EDSA upang presyurin si DOJ Secretary Leila De Lima na huwag bigyan ng “extra-ordinaryong” pansin, kundi man tuluyang ibasura, ang isinasagawang imbestigasyon ng kagawaran kaugnay ng kasong “illegal detention, harassment, threats at coercion” na isinampa laban sa kanilang pamunuan ng isa sa mga dati nilang ministro.

Ayon sa mga rallyista guilty si De Lima nang “double standard” dahil sa diumano ay hindi nito pagpansin sa kaso ng Mamasapano massacre kung saan 44 na pulis ang napatay habang ito’y kabaligtaran sa “extraordinaryong” atensyon na iniuukol naman niya sa kaso na isinampa ni Isaias Samson Jr. laban sa mga miyembro ng kanilang Sanggunian. Pinaalalahanan nila si De Lima na dapat igalang ang “separation of church and state.” Wala daw pakialam ang DOJ sa mga usapin ng INC.

Isinampa ni Samson, kanyang asawa at anak ang mga kaso laban sa mga pinuno ng INC nuong nakaraang Martes. Pinaratangan niya ng krimen ang pamunuan ng INC sa pagsasabing: “[I] accuse all named respondents (members of the INC Sanggunian), with direct personal participation, while cooperating and collaborating with each other, in the harassment, illegal detention, threats and coercion upon my family and me.”

Hindi ba’t parang kakatwa ang kahilingan ng mga rallyista? Kung pagbibigyan sila sa kanilang gustong mangyari ay magiging pasimula ang ganitong sistema sa mga kasong isasampa sa DOJ sa hinaharap at tiyak na magreresulta ito sa lalong ikalalaganap ng “impunity” o kawalang responsibilidad sa lipunan. Heto nga’t problema na natin ang impunity ng mga abusadong pul-politiko, negosyante at iba pang maimpluwensiya sa lipunan tapos dadagdag pa sila sa ating mga pasanin.

Wala akong problema at susuportahan ko pa ang INC sa mga usapin na may kaugnayan sa paghingi ng katarunangang panlipunan tulad halimbawa ng pagtataas nang mababang sahod, pagtulak sa implementasyon ng reporma sa lupa, pagbibigay kalayaan sa pag uunyon ng mga manggagawa at empleyado sa pamahalaan o kaya’y pagtutol sa mga lantad at patagong panghihimasok ng dayuhan sa ating bayan. Pero ang hilingin na huwag aksyonan ng pamahalaan ang isang reklamo na natanggap ay mali. Walang kinalaman ang imbestigasyon ng DOJ sa “separation of church and state.”

Hindi ako tagahanga ni Sec. De Lima pero malinaw na dapat hayaang ituloy ang imbestigasyon para malaman kung lehitimo ang reklamo ni Samson.

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *