Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Liza Soberano, perfect endorser para sa Nails Dot Glow

Liza Soberano-new

00 Alam mo na NonieBAGAY na bagay ang magandang young star na si Liza Soberano bilang endorser ng Nails Dot Glow, na itinuturing na isa sa fastest growing nails and body spa sa bansa na mayroong halos 40 branches nationwide.

Inanunsiyo ang pagiging endorser ni Liza sa spa na pag-aari ng Ms & Mrs. tandem nina Ana Jay at Ferdie Opeña sa Sequoia Hotel na kasabay na rin ng pagdiriwang ng 6th year anniversary nito. Sa panig ni Liza, ipinahayag niya ang kagalakan na maging bahagi ng pamilya ng Nails Dot Glow.

“Proud ako to say na their services are really good and that they will really take care of you. I’m happy and excited na maging endorser nila,” saad ng magandang alaga ni katotong Ogie Diaz.

Sinabi rin ni Liza kung bakit angkop sa lifestyle niya ang Nails Dot Glow.

“Siyempre, very convenient po sila, kasi may home service po sila. Kasi not all the time ay puwede akong magpunta sa lahat ng branch nila dahil marami akong schedules.

“So nagte-text lang po ako kay Ms. AJ kapag kailangan kong magpa-home service. Tapos, pinupuntahan naman nila ako right away. And marami pa po silang services na puwedeng i-offer.”

Sa panig naman ni Ms. Ana Jay na siyang President at CEO ng Nails.Glow, sinabi niya kung bakit perfect si Liza para maging endorser nila.

“Actually, kung titignan nyo ng malapitan ang kanyang nails, talagang glowing siya. Parang kandila, dream nails ko ito. Isa iyan sa dahilan kung bakit din namin siya napili as endorser.

“Feeling ko si Ms. Liza, more on inner glow siya, e. She’s very pure in heart at saka very sincere, charming… doon lumalabas yung glow niya, more from the inside. And from the outside naman, kitang-kita naman that she’s glowing and she’s very pretty.”

Hinggil naman kina Liza at Enrique Gil, aminado ang 17 year old na young star na nagpaparamdam daw sa kanya si Quen, pero hindi raw love ang focus niya ngayon.

“Nagpaparamdam po siya, pero ang priorities ko po talaga ay sa career ko. Kapag nagpaparamdam po siya parang deadma lang,” nakangiting saad ng Kapamilya star.

Paano kung ma-attract si Enrique sa ibang babae, magkaroon siya ng iba?

“Eh ‘di may iba siya (bahala siya),” nakatawang saad ni Liza. Pero idinagdag ng young star na ang pagkakakilala niya kay Enrique ay hindi ito tulad ng ibang lalaki na nagbibilang ng girlfriends.

Ang pagkakapili kay Liza ay resulta ng buong research team ng NDG na ang batang aktres ang nanguna sa listahan ng iba pang mga pinagpilian. Maging sa focus group discussion na nilahukan ng mga piling franchisee at customer ay si Liza rin ang kanilang napusuan. Nagtataglay ng masiglang personalidad, ganda ng mukha at karakter, idagdag pa ang maganda at positibong imahe, walang duda na perfect choice si Liza na tagapagpalaganap ng beauty at wellness na siyang napakahalaga sa pagkakaroon ng maganda, positibo at malusog na pamumuhay.

Samantala, nakatakdang simulan ng NDG Cares ang campaign nito ngayong quarter at sa mga susunod pang mga buwan. Maituturing na pangmalawakang spa sa patuloy sa paglaki at nangangarap na maging isang full one-stop nails and spa, hindi lang mga abot-kayang hand and feet treatment o serbisyo ang hatid nito sa kanilang mga kostumer, kundi maging sa mukha at buong katawan.

Patunay na nagpapakadalubhasa ang NDG sa larangan ng beauty at wellness ay ang pagkakaroon nito ng isang training center para sa mga tauhan nito at pagpapadala sa mga office-based manager nito sa iba’t ibang seminar upang lalo pang palawigin ang kanilang kaalaman sa kani-kanilang area of specialization.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …