Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sino kina Esang, Reynan, Elha, at Sassa ang tatanghaling grand champion ng The Voice Kids Season 2?

082915 the voice

00 SHOWBIZ ms mNGAYONG Sabado at Linggo na masusubukan ang galing ng Top 4 young artists ng The Voice Kids Season 2 sa kanilang grand showdown na ang publiko ang magdedesisyon kung sino ang hihiranging susunod na grand champion.

Isang jampacked na finale ang hatid ng programa dahil itotodo na nina Esang at Reynan ng Team Lea at Elha at Sassa ng Team Bamboo para ipakita ang versatility nila bilang artists.

Hindi lang isang performance ang hatid ng bawat isa dahil gaya ng naunang seasons, mayroon din silang duet kasama ang isang guest artist, isang upbeat performance, at isang ballad.

Sa apat ay medyo na-curious kami kay Reynan sa posibilidad na sumunod sa yapak ni Lyca Gairanod bilang The Voice Kids grand champion. Curious na kung saan kaya ito mag-a-avail ng house and lot worth P2-M mula Camella ng Vista Land Company.

Kaya naman nagtanong kami sa Camella at sa pamamagitan ni Ms. Avic Amarillo, nasagot ang aming katanungan. Aniya, sakaling sa Cagayan de Oro pa rin maninirahan ang mag-anak ni Reynan mayroon pa ring Camella roon.

Bongga ‘di ba? Kahit saang sulok mayroong Camella. Ito ay ang Camella Gran Europa sa Bgy. Lumbia, Cagayan de Oro. Two hours lang daw ang layo nito (kung ibabyahe) mula sa kasalukuyang tirahan ng pamilya ni Reynan.

O ‘di ba hindi na masama. Malapit din pala ito kung saka-sakali.

Sana nga’y magwagi si Reynan dahil ang dinig namin, sila ni Elha ang gustong-gustong magwagi ng house and lot.

Kaya huwag palampasin ang live na live na grand finals na bukod sa house and lot ay magwawagi rin ng recording contract sa MCA Music Inc., music instrument package, family utility vehicle, P1-M cash, at P1-M trust fund.

Ang live grand finals ng The Voice Kids Season 2 ngayong Sabado (Agosto 29), ay mapapanood sa 6:45p.m. at Linggo (Agosto 30), ng 7:00 p.m. sa ABS-CBN.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …