Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ser Chief, ‘di itinagong naging crush si Vina

082915 richard yap Vina Morales

JUST a crush! ‘Yan ang pagkakalarawan ni Richard Yap sa kanyang magiging leading lady sa panghapong programang Nasaan Ka Nang Kailangan Kita na si Vina Morales.

Na siya rin niyang kuwento to break the ice mula sa test shot nila para sa katauhan niya as Carlo na itatapat naman sa Cecille ni Vina.

“I told her na a long time ago, nagkasalubong na kami sa Cebu Plaza. Artista na siya noon. Pero syempre ‘di na niya maalala,” natatawang say ng tsinitong binigyan ngayon ng titulo’ng Hari ng Daytime TV.

At inamin naman niya na nagka-crush siya noon sa aktres.

“We just smiled at each other. Hindi naman kasi ako mahilig din na magpa-picture. And now that we are working together, marami rin akong na-discover as to how nice she is and gaano siya kagaling.

“Magkababata kami sa story. Iniwan niya ako sa probinsiya but I promised na hihintayin ko siya. Which didn’t happen. And after 10 years we bump into each other. Both married with kids.”

Hindi naman daw dark or bad ang katauhan ni Carlo sa NKNKKK.  Magiging dahilan lang siya for Cecilia to realize certain things in life.

Desmayado ba si Richard na ‘di natuloy ang Someone to Watch Over Me nila ni Judy Ann Santos?

“After she gives birth at makapahinga gagawin pa rin daw namin ‘yun. I am excited for it. Kaya nag-lose ako ng weight for the role. Siguro mas ipini-prepare pa kami for it.”

Hindi pa kompleto ang script na dumating kay Richard for his Carlo role. Kaya ‘di pa raw niya masabi if it would require him to share intimate scenes with Vina.

Hindi naman siguro ex with benefits ang peg nila ‘no!

HARDTALK – Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …