PURSUIT of dreams. Isang madamdaming istorya ng mag-anak ang sasalangan nina Sunshine Cruz, Paul Salas, at Francis Magundayao sa MMK (Maalaala Mo Kaya) ngayong Sabado (Agosto 29, 2015).
Ipinaampon ni Sunshine (Aurora) ang kanyang mga anak na sina Francis (Michael) at Paul (Mark) para makapag-aral kaya lumaki silang mailap sa ina. Kaya nang madestino sa Cebu para mag-aral si Mark at nalamang nagtungo sa Maynila ang ina ay lalo lang sumidhi ang galit niya kaya nagpursige siya sa pag-aaral.
Si Frasco Mortiz ang nagdirihe nito mula sa panulat ni Mark Duane Angos sa pamumuno ng business unit head na si Malou Santos.
Alin ba ang mas matimbang—pangarap o pamilya?
Kilalanin ang pride ng Cebu na si Nautical Cadet Mark Anthony Capulong at kung paano siyang nagpursige sa kanyang mga pangarap.
HARDTALK – Pilar Mateo