Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coco, bayani ang tingin kay FPJ

051915 coco martin FPJ

00 SHOWBIZ ms mNOON pa ma’y nasasabi na ng Teleserye King na si Coco Martin na malaki ang paghanga niya kay Fernando Poe Jr. Isa ito sa mga artistang talagang tinitingala niya. Kaya hindi nakapagtataka kung ganoon na lamang ang kasiyahan ng actor na gampanan at gawin ang pelikulang ginawa noon ni FPJ.

Ani Coco, malaking karangalan para sa kanya ang magbigyan ng pagkakataon na bigyang pugay ang nag-iisang Da King sa pamamagitan ng TV adaptation ng ABS-CBN ng obra nitong, Ang Probinsyano.

“Kahit noon pa man, kapag sinabing action movies, ang naiisip ko agad ay wala nang iba kundi si FPJ. Para na siyang superhero ko dahil hindi ko lang siya nakikita bilang isang artista, kundi isang bayani,” ani Coco.

“Alam kong hindi ko mapapantayan at hindi ko malalampasan si FPJ, pero para sa akin, makagawa lang ako ng isa sa mga pelikula o mga obra niya, isa nang napakalaking karangalan sa akin ‘yun bilang artista. Gagawin ko talaga ang best ko para makapagbigay-pugay sa kanya,”giit pa ng Coco na talaga namang nagpakita ng galing sa isang linggong episode na napanood namin ng Ang Probinsyano. Hindi lang basta galing ang masasabi ng sinuman sa makapapanood ng Ang Probinsiyano dahil iba’t ibang karakter ang mahusay na nagampanan ni Coco.

Dalawang karakter na sina Ador at Cardo, ang gagampanan ni Coco, ang kambal na pinaghiwalay ng tadhana ngunit pinag-isa ng kanilang pangarap na makapaglingkod sa bayan bilang mga pulis. Dito’y ipinakita hindi lamang ang galing sa drama ni Coco, subalit pati ang galing sa pagpapatawa, galing sa pagbaril, sa pagsuntok at mga makapigil-hiningang stunt.

Sa pamamagitan ng FPJ’s Ang Probinsiyano na handog ng Dreamscape Entertainment Television at FPJ Productions, ipakikita sa telebisyon ang tunay na kabayanihan ng mga alagad ng batas.

Kasama rin sa powerhouse cast ng Ang Probinsyano ang ilan sa pinakamagagaling na artista sa industriya kabilang sina Albert Martinez, Agot Isidro, Maja Salvador, Arjo Atayde, Bela Padilla, Jaime Fabregas, at Susan Roces. Ito ay sa ilalim ng direksyon nina Malu Sevilla at Avel Sunpongco.

Kaya abangan ang pinaka-engrandeng pagbibigay pugay kay FPJ sa Ang Probinsyano, malapit na sa ABS-CBN Primetime Bida.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …