Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Julia Montes, sobra ang pasasalamat sa pag-aalaga ng Dos!

081815 julia montes

00 Alam mo na NonieAMINADO si Julia Montes na may kaakibat na pressure ang bansag sa kanya sa ABS CBN bilang Royal Prinsesa ng Drama. Ayon sa young star, dahil dito ay kaila-ngan niyang patunayan na karapat-dapat siya sa titulong ito. “Kailangan kong patunayan na hindi porke nabigyan ka ng title, e, okay na. Kailangan ko po talagang i-prove sa kanila,” saad ni Julia.

Ipinahayag din ni Julia kung gaano siya kasaya sa bagong serye niya sa Kapamilya Network na pinamagatang Doble Kara.

“Sobrang saya po, kaya hirap na hirap akong mag-explain or mag-express ng gratitude ko. Ang hirap po talagang ilagay sa words kung gaano ako kasaya. From Mara Clara bilang kontrabida; sumunod iyong Walang Hanggan na bago na naman sa akin-mature role na ipinagkatiwala po sa akin. Then, yung Ikaw Lamang, at ito nga pong Doble Kara.

“Talagang sabi ko nga, hindi ko po talaga ini-expect na aabot ako sa point na pagkakatiwalaan ako ng project. Napakasuwerte ko po talaga, hindi lang po sa mga roles na ibinigay nila kung hindi maging sa mga nakatrabaho ko.”

Dalawa ang katambal niya rito, si Edgar Allan Guzman at ang baguhang si Anjo Damiles. Sobrang happy si Julia na pinagkatiwalaan na naman siya ng Kapamilya network na big-yan ng serye.

Kasama sa casts ng Doble Kara sina Ariel Rivera, Mylene Dizon, Allen Dizon, John Lapus, Bing Loyzaga, Patricia Javier, Gloria Sevilla, at Alora Sasam. Sina Edgar Allan Guzman at ang baguhang si Anjo Damiles ang katambal dito ni Julia.

Ano ang nararamdaman niya sa kanyang bagong leading men?

“Nakaka-excite din na parang kinakabahan na medyo nahihiya din. Hindi pa kasi kami masyadong komportable sa isa’t isa po. Pero excited kasi, ‘yun nga po, gaya ng sinasabi ko, lahat ng nakasama ko at nakatrabaho ko, e, natutuwa po ako sa kanila. This time, nae-excite ako kung ano ‘yung matututunan ko.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …