Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Taga-ayos ni Marian, ilag sa aktres

082715 marian rivera
MARIAN…Aww! Pagdating sa mga bata, kitang-kita namang magiliw ang isang Marian Rivera. Na magkakaroon na ng sarili nilang baby ni Dingdong Dantes soon.

Kaya naman kapag may mga magpapa-picture sa aktres saan man ito magpunta, accommodate niya agad.

Pero kapag ang mga kasama na ng bagets ang magpapa-picture kay Marian, naiiba raw ang mood nito.

Kaya nalilinyahan niya ang ilang fans ng “Magpapaayos muna ako para maganda naman ako sa litrato. Kayo nga, nakaayos na, eh!” Kung halimbawang nasa salon siya.

At may nag-share sa amin ng kuwento ng engkuwentro nila sa magandang aktres.

“Medyo nagulat lang ako noong ibino-blower ang buhok niya sa parlor. Nag-ask ako sa babaeng nagbo-blower ng buhok niya na kung puwede magpa-picture sa kanya pero takot na takot ‘yung babae na sabihin sa kanya. Baka pagalitan siya. Pati ‘yung isang bakla na naroon nag-ask din ako sa kanya para magpa-picture ang mga pamangkin ko pero umiling at takot na sabihin sa kanya. Kaya lumapit na ako kay Marian at nagpaalam kung puwedeng magpa-picture ang mga bata. Pinagbigyan naman ‘yung mga bata pero noong ako na parang sumimangot ng kaunti parang pilit pero pinagbigyan naman ako. ‘Yung mga tao roon na nagtatrabaho parang ilag silang tanungin siya.”

Ang tinutukoy na mga bata ay ang papasok na sa showbiz na mga pamangkin ni Donita Rose na sina Mikay at Kikay! At siguradong natuwa sa kanila si Marian dahil sa pagiging bibo ng mga ito.

At hindi naman masasabing mali ‘yung reaksiyon ng mga tao sa nasabing parlor. Kasi nga kahit nasa ganoong publikong lugar ang mga artista, they still deserve some peace and quiet. Na may rason kaya naroon sila. Alangan naman ngang magpakuha sila ng picture na isang kilay pa lang nila ang gawa o isang pisngi pa lang ang may kulay.

Kilay. Kulay. Kikay. Mikay.

Soon, these kids will understand the things an artist sacrifices just to be nice to the viewing public.

At tiyak isa sa mga araw na ito kung hindi man masalubong nina Kikay at Mikay ang tita Marian nila, baka sa trabaho pa sila magsama-sama.

Buntis ang tita niyo. May moods ‘yan na dala-dala bawat araw. Give it to her. Naghahanda lang siya sa pagiging Mommy niya! Give it to her!

HARDTALK – Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …