Ang magsasalubungang muli at magbubuhol sa istorya ng sari-saring kulay ng pagmamahalan sa patuloy na umiigting at umaariba sa ratings na Nasaan Ka Nang Kailangan Kita topbilled by Vina Morales, Christian Bautista and Denise Laurel.
Sa ikot ng teen love story nina Loisa Andalio at Josh Garcia, papasok ang karakter ni Manolo Pedrosa.
Pero nagri-rigodon pa rin ang triyanggulo nina Vina-Christian-Denise.
Sa Sabado (Agosto 29) makikipagkita ang mga bagets led by Jane Oineza and Jerome Ponce sa kanilang mga tagahanga sa GenSan City sa KCC Mall. Ipinapangako nilang it will be an afternoon filled with fun with family and friends na siyang tema ng Ricky Lee masterpiece.
Abangan ang tropa.
Ito siguro ang sikreto kung bakit well-loved ang cast saan man sila makarating.
But wait! There’s more! Papasok si Richard Yap sa ikot ng buhay ng mga bida. Sino kina Toni (Denise) at Cecilia (Vina) ang lalapitan ng puso niya?
HARDTALK – Pilar Mateo