Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bungangerang buntis utas sa ex-pulis

041815 dead gun crime

PATAY ang isang 27-anyos buntis makaraan barilin ng kinakasamang retiradong pulis nang mapikon sa pagiging bungangera ng biktima kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Agad binawian ng buhay ang biktimang si Catherine Agudo, 27, residente ng Block 1A, Lot 30, Phase 3, E-1, Brgy. 14, Kaunlaran Village ng nasabing lungsod, dahil sa dalawang tama ng bala sa kaliwang dibdib.

Nagsasagawa ng manhunt operation ang mga awtoridad laban sa suspek na si Tito Cabauatan, nasa hustong gulang, naninirahan din sa naturang lugar, mabilis na tumakas makaraan ang insidente.

Batay sa ulat ni PO3 Michael Anthony Ramirez, dakong 1:10 a.m. naganap ang insidente sa loob ng bahay ng dalawa sa nasabing lugar.

Ayon sa kapatid ng biktima na si Sarha Agudo, 35, nagpapahinga sila sa loob ng kanilang bahay nang marinig nila ang ingay na nagmumula sa ikalawang palapag kung saan nakatira ang dating pulis at ang kanyang kapatid. Pagkaraan ay nakarinig sila ng putok ng baril.

Agad siyang umakyat sa ikalawang palapag at nasalubong niya ang suspek na nagsabing “Pinatay ko na ang kapatid mo, pagbabarilin ko na kayo” kaya mabilis siyang tumakbo.

Nabatid na apat buwan buntis sa ikatlong anak ang biktima habang ang suspek ay may dating asawang pulis din na matagal na niyang hiniwalayan.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …