Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sylvia Sanchez, proud sa mga anak na sina Arjo at Ria

082615 Sylvia Sanchez arjo ria atayde

00 Alam mo na NonieMasaya si Sylvia Sanchez sa pagpasok sa showbiz ng mga anak niyang sina Arjo at Ria Atayde. Ayon sa batikang aktres, hindi niya pinilit ang dalawa at kusa lang talagang nasa dugo nila ang sining ng pag-arte.

“Masaya ako na artista na sila, kasi kahit sa paniginip, noong pumasok ako sa showbiz, hindi talaga sumagi sa isip ko na magiging artista ang mga anak ko,” panimula ni Sylvia na tulad ni Ria ay bahagi ng casts ng Ningning.

Sinabi rin niyang proud siya kina Arjo at Ria.

“Oo, sobrang proud ako kay Arjo at ngayon ay sobrang proud din kay Ria. Kasi si Arjo, ginagalingan talaga niya ang ginagawa niya, ‘yung talagang nagpapaka-professional. Alam mo yun? Proud ako kasi, inaayos niya yung pinasok niya.

“Si Ria naman, proud din ako sa kanya. Kasi, mula nang pumasok sa showbiz, one month pa lang ay ang laki ng transformation niya. From Ria na taba-tsingtsing, ngayon ang payat na niya. Nag-diet siya, nag-exercise siya. So, nakaka-proud dahil ibig sabihin ay gusto niya ang ginagawa niya,” nakangiting pahayag niya.

Dagdag ni MS. Sylvia, “Nakaka-proud kasi, like ngayon, may mga nakakasalubong akong staff ng Dos, ‘yung mga nasa production at sinasabihan nila ako na, ‘Magaling ang mga anak mong umarte.’

“Pero ang mas nakaka-proud yung sabihan kang, ‘Ang babait ng mga anak mo, napaka-respectfull…’

“Bilang isang nanay, iyon ang priceless e, hindi ba? Iyong hahangaan sila sa acting nila, tapos ang kasunod niyon, ang bait-bait, ang ganda ng ugali, professional sila… Basta, all prai-ses ang naririnig ko e. So, nakaka-proud iyon bilang isang na-nay.”

Hindi po ba ang mga anak, kapag mabuti at maganda ang kinalabasan, reflection iyon ng pa-rents?

“Korek, iyon nga iyon! So, parang nasa stage ako ngayon na, pulaan nang pulaan man ng iba ang pagkatao ko, makikita iyon sa mga anak kung ano’ng klaseng ina ka. Ganoon lang iyon e, at nakakatuwa.”

Itinuturing ba niyang parang tubo na sina Arjo at Ria sa pagiging bahagi niya ng showbiz? “Oo korek, tubo ko na sila sa showbiz. Kumbaga ako ang nag-start, ngayon ay tubo ko na sila.

“Na honestly, hindi ko binalak na isang araw ay mag-aartista sila. Kasi, hindi ko sila pinilit e. Sila ang nagkusa, kahit pinipigilan namin ng asawa ko. Mas gus-to ko kasi na sa abroad na lang si Ria magtrabaho, pero wala ta-laga, malakas ang tawag ng showbiz sa kanya e.

“So nang nakita ko na gustong-gusto na niya talaga ang mag-showbiz, isa lang ang ipinayo ko sa kanya, lose weight, tapos mag-acting workshop ka rin.”

Ano pa ang advice niya kina Arjo at Mia?

“Iyong advice ko, siyempre sabi ko sa kanila na mahalin n’yo ang trabaho ninyo, galingan n’yo, at mag-focus.

“Sa acting, isapuso ninyo ang karakter at huwag n’yo gawing laro-laro lang ang trabaho ko. Ang showbiz kasi, hindi lang laro iyan. Hindi porke nasa showbiz ka, after ka lang sa fame. Kilala ka, nagha-hi sa iyo ang mga tao, hindi ganoon ang showbiz. More than that, may mas malalim na kahulugan ang trabaho namin.

“Bonus na lang din ‘yung sumikat kayo, ‘yung makilala kayo. Pero bago kayo sumikat, dadaan talaga kayo sa tamang proseso. Like, marunong ka bang umarte, maayos ka ba, professional ka ba?

“Basta ang ipinapayo ko ka sa kanila, matuto silang makisama sa lahat ng klase ng tao, mula sa mga boss at utilities. Hindi lang ‘yung sa boss, mas higit dapat sa mga utility. Be professional at huwag maging pasaway.

“Kasi ako, walang record na naging pasaway e at hindi ako nale-late,” mahabang esplika pa ni Ms. Sylvia.

 

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …