Tuesday , September 10 2024

PhilHealth TV ad kampanya nga ba ni Risa Hontiveros para senador?

00 Bulabugin jerry yap jsy

KINUWESTIYON ng isang labor group ang ipinalalabas na TV commercial (TVC) ng PhilHealth tampok si PNoy political appointee Risa Hontiveros.

Ayon kay dating senador Ernesto Herrera, president ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP), ang PhilHealth ay pinagkakatiwalaan ng pinagpaguran at pinagpawisang kontribusyon ng mga manggagawa at mga empleyado para sa kanilang pangangailangang medikal at iba pang benepisyo kaya kailangang gamitin sa tama.

Suspetsa ni Herrera, ginamit ang pondo ng PhilHealth (state health insurance firm) para sa ads ni Hontiveros, na dating party-list representative at talunang senatorial aspirant.

Ayon pa kay dating senador Herrera ang isang TV ad ay pwedeng gumastos ng P442,000 plus value-added tax tuwing ieere kada 30 segundo.

Kaysa gastusin sa TV ad mas makabubuting gamitin ito para itaas o dagdagan ang health insurance benefit ng mga miyembro lalo na nga naman ‘yung mga mininum wage worker at iba pang sweldohang empleyado.

Maganda ang puntong ito ng dating senador.

Hindi rin ito makabubuti sa administrasyong Aquino. Ang pondo ng PhilHealth ay para sa mga miyembro nito at hindi para gamitin sa pamomolitika.

Bukod diyan, sayang ang mga pagsisikap ng kasalukuyang Presidente ng PhilHealth na si Alex Padilla, kung wawasakin lang ng TV ad ni Hontiveros ang mga patakarang ipinatutupad nila laban sa mga tiwaling doktor at ospital.

082615 philhealth risa hontiverosAlam natin na masalimuot din ang isyung kinasusuungan ngayon ng PhilHealth laban sa mga mapagsamantalang ospital at ilang tiwaling doktor na kabisadong-kabisado na yata kung paano ‘huhuthutin’ ang pondo ng state health insurance firm.

Hindi ba may ganyang kaso sa Bicol?

Si Risa Hontiveros, mga suki, ay dating Akbayan party-list representative na tumakbong senador noong 2010 at 2013 elections pero sad to say hindi pinalad na makalusot sa hanay ng labanang name recall.

Strike two na pala si Madame Risa?!

Paano lulusot ang sampung-letrang apelyido sa malalakas na name recall gaya ng Marcos, Aquino, Villar, Cayetano, Escudero etc.?

Bukod pa ‘yan sa hindi naman talaga nakagawa ng marka ang pangalan ni Ms. Hontiveros sa larangan ng lehislatura.

Hindi naman masamang mangarap sa ikatlong pagkakataon si Ms. Hontiveros, kung gusto niya talagang maging senador, pero sana naman, huwag niyang kaladkarin ang pondo mula sa mga kakarampot na suwledo ng maliliit nating kababayan.

Alinsunod sa batas, ang bawat empleyado ay kailangan magbayad ng P437.50 per month sa PhilHealth, hindi kasama rito ang employer’s share. Ang overseas Filipino workers (OFWs) at self-employed members ay pinagbabayad ng annual premium na P2,400 to P3,600.

Kabilang 15-member board ang siyam na ex-officio members at anim political appointees ng Malacañang sina secretaries Janette Garin, Mar Roxas, Corazon Soliman, Rosalinda Baldoz at Cesar Purisima; ganoon din sina Social Security System president Emilio de Quiros Jr., Government Service Insurance System president Robert Vergara, PhilHealth president Alex Padilla at isang kinatawan mula sa National Anti-Poverty Commission (NAPC).

Bukod kay Hontiveros, ang anim pang political appointees ay sina Alexander Ayco (family doctor ng mga Aquino), Francisco Vicente Lopez, Eddie Dorotan, Jane Sta. Ana at isang mula sa Monetary Board.

Unsolicited advice lang Madame Risa, ibahin mo naman ang style ng pagpapakilala mo sa taong bayan at baka ngayon sa ikatlong pagkakataon ay magtagumpay ka nang makapasok sa Senado!

How I wish…

PINAG-UUSAPAN NA: BONGBONG MARCOS FOR PRESIDENT!

Habang hindi mapakali sa pagkuha ng kanilang bise presidente sina Secretary Mar Roxas at VP Jejomar Binay, malakas naman ang bulong-bulungan sa mga coffee shop na hindi matatapos ang Setyembre ay magdedeklara ng kanyang kandidatura si Senador Bongbong Marcos — kandidatura bilang presidente.

Kaya nagkakagulo rin ang ‘usual donors’ na nakapag-commit sa mga naunang nagdeklara.

Alam kasi nilang hindi puwedeng balewalain, kapag nagdeklara ng kanyang kandidatura si Bongbong sa darating na Setyembre.

Bukod sa solidong Marcos loyalist, nariyan pa ang Solid North at ang Waray Country.

082615 marcos dutertePaano kaya kung ang maging vice president ni BBM ay manggaling sa Mindanao?!

Matunog kasi na mukhang si Digong Duterte ang kanyang magiging bise-Presidente.

Luzon na lang ang paghahatian ng kanyang makakalaban?!

‘Yan na nga ba ang sinasabi natin. Hindi na magiging disadbantaha kay BBM ang kasaysayan ng pamumuno ng kanyang tatay at nanay.

Kahit paulit-ulit na pag-usapan ang bangungot ng Martial Law, hindi maikakailang kasabay nitong maaalala ng publiko ang hindi malilimutang pag-unlad at landmark ng Republic of the Philippines sa Asya at sa buong mundo.

Abangan natin ang labanan ng mga anak at apo ng mga dating presidente.

BAGONG MODUS SA IMMIGRATION: “BUHAYIN ANG PATAY!”

Muling namamayagpag ang ilang pinaghihinalaang miyembro ng sindikato ng ilang travel agents diyan sa loob ng Bureau of Immigration.

Kung inyong matatandaan, nag-lie low ang mga hinayupak na fixers noong panahon ni dating Commissioner Ric David dahil sa mahigpit n’yang utos na walisin ang mga notorious fixer sa BI main office.

Hindi ba’t kahit nga si tang ‘este tanging INANG ay hindi pinapasok sa building, Atty. Rolando Ledesma?!

Isang nabiktimang Chinese national ang humihingi ng tulong sa Chinese social media (WeChat) na tahasang sinabi na ang kanyang pasaporte pati na ng kanyang pamilya ay hawak ngayon ng mga tsekwang travel agents na sinasabing bagyo at malapit raw kay BI Comm. Fred ‘green card’ Mison?!

Matapos raw siyang makuhaan ng halagang P60,000 at mapangakuan na tutulungan siyang i-process ang kanyang application for R.A.7919 ng isang nagngangalang PETER ‘tsaptsing’ CHUA or PETER ‘tuachat’ GOSIAKO, hindi na raw mahagilap ang nasabing travel agent!

082615 immigration fixerSanababits!!! Kawawang tsekwa!

Switching daw ng pangalan ng mga namayapang Intsik na may visa na R.A. 7919 ang ngayon ay ginagawang raket ng ilang kapalmuks na mga Legal Officers diyan sa 4th floor kasabwat ng mga notorious na tsekwang travel agents!

Totoo kaya ang balitang ito, Atty. Vince Tung-kab ‘este’ Uncad?

Nabanggit rin sa statement ng naagrabyadong Chinese national ang mga pangalang LEAH at BETTY na karaniwan daw ay nilalapitan sa mga ganitong uri ng transaksyones sa Bureau?!

Well, what’s new??!

Hindi kaya ang BFF ni Immigration Board of Discpline Chairman Ledesma na si Betty Chuwawa ang tinutukoy ng Tsekwang ito na Betty?!

Isang Atty. Pera ‘este’ Vera rin ang nabanggit na contact nitong mga pinaghihinalaang sindikato ng mga namatay na may visang R.A. 7919.

Hindi kaya dating sepulturero ang abogadong ito dahil mukhang sanay sa mga patay?

Samantala, nakikiusap itong kawawang Chinese national kung sino raw ang nakakakilala dito kay Peter Chua or Peter Gosiaco na mangyari lamang na ibalik ang mga passports ng kanilang pamilya para muli nilang magamit pabalik ng Filipinas dahil sa kanilang naiwang negosyo rito.

SOJ Leila De Lima, baka pwede pong pagtuunan ng pansin ang nakababahalang kaso na ito? Masyado raw kasing nag-a-ala-aldub itong si Comm. Mison kaya siguro hindi n’ya namamalayan na ‘yung mga dati ng namatay na may valid permanent visa sa Bureau, ngayon ay muling binubuhay!

Pangulong Pnoy, ano ba ang nagyayari ngayon sa Immigration!?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN – Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Dragon Lady Amor Virata

Senator Cynthia Villar tatakbo para sa kongreso  magpinsang Aguilar maglalaban para sa mayor

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata NOONG nabubuhay pa ang yumaong Vergel “Nene” Aguilar, tahimik …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Ano pa ang hinihintay ng DOH sa Mpox vaccine?

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI pa naman daw kailangan ng social distancing para sa seguridad …

YANIG ni Bong Ramos

74-anyos lolo, nawalan na ng wallet at cellphone, ikinulong pa

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang sinapit ng isang 74-anyos Lolo na matapos mawala ang wallet …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Sino ba ang dapat managot?

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANG ibunyag ni Senator Risa Hontiveros na nakalabas na sa bansa …

Dragon Lady Amor Virata

Boluntaryong leave of absence isinumite ng Vice-President ng NPC

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata NAGSUMITE ng kanyang leave of absence si National Press …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *