Thursday , December 19 2024

Ina nakatulog baby nahulog sa creek

070615 dead baby tanda senior
LUMUTANG na walang buhay ang 6-buwan gulang na sanggol makaraan mahulog sa creek sa ilalim ng kanilang bahay nang makatulog ang ina habang nagpapadede sa Malabon City kahapon ng madaling-araw.

Lumobo at nangingitim na ang katawan ng biktimang si Janica Maceda nang maiahon ng kanyang inang si Josielyn, nasa hustong gulang, residente ng 47 E. Jacinto St., Brgy. Concepcion ng nasabing lungsod.

Batay sa ulat ng  pulisya, dakong 4 a.m. nang matagpuan ang lumulutang na katawan ng sanggol sa creek sa ilalim ng kanilang bahay sa nasabing lugar.

Salaysay ng lumuluhang ina, dakong 3 a.m. nagising siya upang padedehin ang sanggol hanggang muli siyang makatulog.

Nang magising siya ay hinanap ang kanyang anak ngunit wala na sa kanyang tabi hanggang mapansin na lamang na wala na ang nakaharang na plywood sa butas ng kanilang bahay.

Mabilis na humingi ng saklolo si Josielyn dahilan upang mataranta ang lahat ng kasama sa bahay hanggang makita sa creek ang lumulutang na bangkay ng sanggol.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Honey Lacuna PBBM Bongbong Marcos Manila mackerel

Mula kina PBMM at Mayor Lacuna
Kompiskado, ismagel na mackerel ipinagkaloob sa mga residente ng BASECO at Tondo sa Maynila

PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna – …

Bulacan Police PNP

Anti-crime raid ikinasa sa Bulacan; 15 pugante, 4 tulak timbog

NASAKOTE ang may kabuuang 19 mga indibidwal, kung saan 15 ang mga wanted person at …

ASIN Center Salt Innovation for a Better Future

ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future

DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …

121324 Hataw Frontpage

Zamboanga jamborette ipinatigil
3 BOY SCOUTS NAKORYENTE SA TENT PATAY
10 sugatan naospital

HATAW News Team TATLONG miyembro ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) ang namatay sa …

121324 Hataw Frontpage

Disqualified si Marcy Teodoro — Comelec

IDINEKLARANG diskalipikado at hindi na maaaring tumakbo bilang kinatawan ng Unang Distrito ng Marikina si …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *