Aries (April 18-May 13) Mainam bumisita sa sauna, maligo sa swimming pool, at magsagawa ng breathing exercises. Makatutulong ito sa pagpapalakas ng katawan.
Taurus (May 13-June 21) Bayaran ang mga utang at sikaping hindi na mangutang na muli.
Gemini (June 21-July 20) Magiging mahina ang kalagayan ng iyong kalusugan. Sikaping hindi na ito tumindi pa.
Cancer (July 20-Aug. 10) Huwag pagugupo sa mga tukso. Pakinggan ang iyong inner voice.
Leo (Aug. 10-Sept. 16) Manood ng sine o konsiyernto upang manumbalik ang sigla ng katawan.
Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Hindi mainam ang araw ngayon para sa pagsangkot sa seryosong mga bagay. Mag-ingat sa mga mapanlinlang.
Libra (Oct. 30-Nov. 23) Ang iyong mga pagkakamali at pagpapakita ng negatibong emosyon ay posibleng mag-reflect sa iyong kinabukasan.
Scorpio (Nov. 23-29) Kalimutan na ang mga pakikipag-alitan, matutong magpatawad.
Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Iwasan ang pagpapagod ngayon. Mahina ang iyong enerhiya.
Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) May panganib sa transportasyon kaya dapat na mag-ingat.
Aquarius (Feb. 16-March 11) Huwag sumangkot sa adventure kung hindi tiyak kung ano ang kahihinatnan nito.
Pisces (March 11-April 18) Mainam ang pakikipagsosyalan ngayon, lalo na sa mga kabataan.
Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Mag-ingat sa alcohol at kakaibang mga pagkain. Posible ang pagkalason.
ni Lady Dee