Nabigo tuloy makapasok sa Top nina Zephanie at Kyle at ang nakapasok sa Top 4 ay nagmula sa Team Lea at Team Bamboo.
Hindi nga matapos ang pag-iyak nina Reynan at Esang ng Team Lea at Elha at Sassa ng Team Bamboo nang sila ang mapili para makapasok sa top 4.
Nanguna sa botohan si Reynan na nakakuha ng 32.98% na boto, habang pumangalawa naman si Esang na may 19.24%. Kinompleto naman nina Elha (18.23%) at Sassa (13.71%) ang Top 4 matapos magpasiklab sa kani-kanilang performances.
May mga nagsabing talagang hindi matatawaran ang galing ng apat na nakapasok sa Top 4. Mayroon namang ilang nagsabi na mula sa Popster na hindi raw na-acknowledge ang botong ipinadala. Mayroon namang nagsabi na bigyang pagkakataon naman ang mga alagang nagmula kina Lea Salonga at Bamboo.
Anuman ang dahilan, isa lang ang masasabi namin. Good choice ang mga nakapasok sa Top 4. Kami man, silang apat ang bet namin.
Sa susunod na weekend (Agosto 29 at 30), maglalaban-laban sa huling pagkakataon sina Reynan, Esang, Elha, at Sassa para muling ligawan ang publikong bumoto sa kanila para tanghalin bilang ang ikalawang The Voice Kids grand champion, na magwawagi ng recording contract sa MCA Music Inc., music instrument package, family utility vehicle, house and lot na nagkakahalaga ng P2-M, mula sa Camella ng Vista Land, P1-M cash, at P1-M trust fund.
Kaya huwag palampasin ang live grand finals ng The Voice Kids Season 2 sa Sabado (Agosto 29), 6:45 p.m. at Linggo (Agosto 30), 7:00 p.m. sa ABS-CBN.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio