PAREHONG natuwa sina Meralco coach Norman Black at Rain or Shine head coach Yeng Guiao sa mga picks na nakuha nila sa PBA Rookie Draft noong Linggo sa Robinson’s Place Manila.
Nasungkit ni Black sina Chris Newsome ng Ateneo at Baser Amer ng San Beda bilang mga first round picks ng Bolts sa draft kaya umaasa siya na aangat ang Meralco sa darating na PBA season.
Sinabi naman ni Amer na natupad ang kanyang pangarap na makasama niya sa Meralco si Jimmy Alapag na magbabalik sa paglalaro pagkatapos na sandali siyang nagretiro.
Para naman kay Newsome, kaya niyang baguhin ang istilo ng paglalaro sa PBA dahil noong nasa Ateneo pa siya ay ginamit siya bilang power forward.
Marami ang nagulat nang pinili ni Guiao si Ahanmisi na hindi masyadong na-scout kahit naglaro siya sa Café France na nagkampeon pa sa PBA D League.
Naniniwala si Ahanmisi na marami ang kanyang matututunan ngayong si Guiao ang magiging coach niya sa PBA.
“It was a shock to me because I was expecting to be seventh, eighth or ninth but I’m glad they (Elasto Painters) picked me. I can learn from coach Guiao and Paul Lee whom I’ve seen play. My ability to shoot and my defensive intensity will help,” ani Ahanmisi.
(James Ty III)