Sunday , September 8 2024

Demolition job butata kay Sen. Sonny Trillanes

trillanes2

NANINIWALA si Senator Antonio “Sonny” Trillanes IV na malaki ang naitutulong sa kanyang mga programa ng kanyang consultants kaya sila naman ang kinakaladkad sa kontrobersiya bilang demolition job laban sa Senador.

Pero dahil walang katotohanan at hindi guilty, nanindigan si Senator Trillanes at tahasang ipinamukha sa mga kumakaladkad sa kanyang pangalan na iba siya sa kanila.

Aniya, “hindi ako katulad nilang magnanakaw na pati yaya iniaasa ang sahod sa pamahalaan…”

Aray! Ang sakit naman niyan.

Sinabi rin ni Senator Trillanes na kung talagang mayroon siyang pag-abuso sa paggamit ng kanyang pondo dapat sana ay pinadalhan na siya ng disallowance record ng Commission on Audit (COA).

Ngunit sa record ng COA ay wala siyang disallowance record.

Ito ang katotohanan sa likod ng demolition job na iniuupak ngayon kay Senator Trillanes.

Ultimo umano driver at kasambahay niya ay naka-payroll sa Senador at nakahanay umano sa kanyang consultants.

Ito ay bahagi ng kanilang consultancy rights o pribilehiyo bilang Senador.

Ayon kay Senator Trillanes, isang maliwanag na kasinungalingan ang mga ibinunyag ng taong nais na sumira sa kanyang malinis na pangalan.

Sa pagkakataong ito ay tahasang tinukoy ng Senador na si Vice President Jejomar “Jojo” Binay at kanyang mga kaalyado ang nasa likod ng demolisyon.

Karamihan sa consultants ni Sen. Trillanes ay katuwang niya sa pagpapatakbo ng kanyang mga programa lalo na noong nakakulong pa siya.

At dahil mapagkakatiwalaan at katuwang niya sa mga isinusulong niyang programa ay pinanatili sila ng Senador sa kanyang pool of consultants.

Legal at totoong consultants ang mga taong tumatanggap ng allowance mula sa pondo ng bayan.

Pero siyempre, hindi niya maaaring ibunyag sa publiko ang tunay na pagkatao nila para sa seguridad at confidentiality.

Ilan sa mga consultants ay nagsagawa ng imbestigasayon na nagresulta sa ilang mga ibinunyag nila sa pagdinig sa senado.

Hinamon ni Sen. Trillanes ang kampo ng mga Binay na kung talagang mayroon silang mga bayag ay mabuting humarap sila at sagutin ang mga akusayon ng korupsiyon laban sa kanila.

Sinabi ni Trillanes, sa susunod na pagdinig ng senado ay ibubunyag nila kung paano pinagkakitaan ng pamilya Binay ang janitorial at security services sa lungsod ng Makati.

Tsk tsk tsk…

May bago na naman palang pasabog na dapat mabatid ang publiko.

At ‘yan ang resulta ng trabaho ng mga consultant ni Senator Trillanes.

Kaya ‘yung mga walang magawa, tantanan ninyo si Senator Trillanes dahil tiyak na kayo’y mapapahiya!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN – Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *