Friday , November 22 2024

MIAA nagbuo ng special elite security unit

NAGBUO ang Manila International Airport Authority (MIAA) ng elite security force bunsod ng mga insidente ng pambobomba at pagtaas ng banta ng terorismo sa Filipinas at ibang bansa.

Binuo ng MIAA ang Special Reaction Unit (SRU) ng airport police department bilang pagtupad sa International Civil Aviation Organization’s (ICAO) requirement na ang bawat paliparan sa bansa na may domestic and international operations ay dapat magbuo at magsanay ng sariling security.

Ang SRU ay sinanay sa training facility ng Philippine Air Force sa Pampanga, at dumaan sila sa masusing ‘physical and physiological exercises.’ Ang mga miyembro ng elite SRU ay bihasa rin sa automatic rifles at handguns, at kayang gupuin ang manggugulo sa eroplano, o sa airport terminal.

Sila ay armado ng stun guns para sa mga maggugulo na dapat agad mapigilan.

Ang bawat miyembro ng SRU ay nakasuot ng bullet proof vest, Kevlar helmet, at eye wear protection. Bihasa rin sila close quarter combat.

Plano ng SRU ang pagbili ng sariling drone o unmanned aerial vehicle, na gagamitin sa airport surveilance para sa pagresponde sa mga insidente ng kaguluhan.

Pinagkalooban sila ng MIAA ng radio communication at mga sasakyan para sa mabilis na pagresponde sa emergency cases.

About G. M. Galuno

Check Also

Suspek timbog sa Pampanga
LALAKING NAGKAKAPE UTAS SA BOGA NG KAKOSA

PATAY agad ang isang 55-anyos lalaki nang pagbabarilin sa bahagi ng Tanigue St., Brgy. 14, …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

PAGASA Amihan

Amihan na — PAGASA

IHANDA na ang inyong mga damit na panlamig gaya ng mga jacket, sweater, shawls, at …

Knife Blood

Sa Tondo, Maynila  
CHINESE NAT’L PATAY NANG PAGSASAKSAKIN SA LOOB NG SASAKYAN

NAKAPAGMANEHO pa para iligtas ang sarili ngunit binawian din ng buhay ang isang 46-anyos Chinese …

UAS UNLEASH

UAS Invests in UNLEASH, a Groundbreaking Pet Lifestyle App to Provide Filipinos’ Pet Companions Peace of Mind Through Technology and IoT

UAS (Universal Access and Systems Solutions), a leading technology solutions provider, today announced its strategic …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *