Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marion Aunor, dream gawan ng kanta sina Regine, Charice at Nora

082415 marion aunor

00 Alam mo na NonieKAHIT nag-aartista na rin ngayon ang talented na singer-songwriter na si Marion Aunor, sinabi niyang hindi raw niya mapapabayaan ang career sa music.

“Hindi naman po siguro. I think puwede namang pagsabayin iyon. Marami namang artists ngayon ang pinagsasabay yung singing and acting,” wika ni Marion.

Katatapos lang gumawa ng indie movie ni Marion. Pinamagatang Tibak, mula ito sa panulat at pamamahal ni Direk Arlyn dela Cruz.

“Tungkol po ito sa life story ni Joma Sison at sa mga kasamahan niya. Ang bida po rito ay si Jak Roberto. Ang role ko po rito ay isang beauty queen-turned activist,” sabi pa ng dalaga ni Maribel Aunor.

Bukod sa pagiging singer/aktres, ginawan na rin ng kanta ni Marion sina Kathryn Bernardo at Alex Gonzaga. Pati sa bagong album ni Erik Santos ay may komposisyon din si Marion.

Sinabi rin niya ang iba pang artists na gusto niyang gawan ng kanta, kung puwede.

“Gusto ko iyong super-legendary people like si Ms. Regine Velasquez. Although nandyan na si Sir Ogie (Alcasid). But if they want fresh new sounds, then, sana ay mabigyan ako ng chance.

“Challenge sa akin kung magagawan ko rin ng kanta si Charice. Feeling ko.”

Kung maging okay na ‘yung voice ng Tita Guy niya, willing ba siyang igawa ng kanta ang Superstar? “Of course, I’d love to work with her!”

Ano’ng kanta kaya ang bagay sa Tita Guy niya? “I don’t know, maybe I want something na parang touching. Na pang-family, feeling ko ay magandang concept yun.

“Pero hindi ko pa nae-expound ‘yung idea. Pero feeling ko if ever, kapag nag-sit down na kami together, baka ma-feel ko ‘yung kanta na bagay talaga sa kanya.”

Nabanggit din niya kung gaano siya kasaya ngayon sa kanyang career. “Super happy! Parang nakikita ko na marami nang things that are about to happen, na parang waiting na lang and it’s almost there.

“Parang after the last two years na working hard for it, parang ngayon ay talagang ready na ako and just waiting for that big moment.

“And excited po talaga ako sa new album ko sa Star Music. Plus, magka-show locally and internationally. Then, gusto ko pang makapagsulat ng maraming kanta,” pagtatapos ni Marion.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …