Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ejay Falcon, pinabilib ang producer ng Homeless

082415 Ejay Falcon

00 Alam mo na NonieSINABI ni Ms. Baby Go, producer ng indie advocacy film na Homeless na hanga siya kay Ejay Falcon. Magaling daw ang Kapamilya actor at marunong maki-sama.

“Magaling na artista si Ejay, masarap makasama at mabait. Wala siyang arte at okay katrabaho. Kapag sinabing take na, shooting na, trabaho na siya. Professional din siya at naka-focus sa trabaho.”

Posible bang sa next project ninyo ay makasali ulit si Ejay? “Oo naman, posible iyon,” saad pa ng tinaguriang Reyna ng Indie at Advocacy films.

Dagdag pa ni Ms. Baby, “Pati sina Snooky Serna, Dimples Romana at iba pa, magagaling silang artista kaya naging maayos ang shooting namin.”

Pagdating naman sa pelikula nila, nagbigay siya ng kaunting background sa Homeless.

“Siyempre na-touch ako sa movie, kasi ito ay about calamity at mga street children. Iyong mga taong biktima ng kalamidad na pinagsamantalahan pa ng sindikato.

“May mapupulot silang aral dito, na kahit maraming pagsubok, dapat ay hindi sila nawawalan ng pag-asa. Si Ejay, talagang hindi siya bumitaw dahil mahal na mahal niya ang kanyang pamil-ya,” pahayag pa ni Ms. Baby.

Ipalalabas na ang advocacy film na Homeless sa August 26 na pinagbibidahan din nina Martin del Rosario, Ynna Asistio, Chokoleit, Hayden Kho, Rico Barrera, Mico Aytona, at iba pa. Ito’y mula sa pamamahala ni Direk Neal ‘Buboy’ Tan.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …