Saturday , November 23 2024

Balikbayan box: To open or not to open

00 Palipad hangin Arnold ataderoINUULAN ng batikos si Customs Commissioner Bert Lina dahil sa kanyang memorandum na ipinag-uutos na buksan at random, marahil 10 percent lang, ang bawat container van na naglalaman ng 400 hanggang 500 na tinatawag nating Balikbayan Boxes na ipinadadala rito ng overseas Filipino workers (OFWs) mula abroad.

The countries include America, New Zealand, Australia, Saudi and Hong Kong at marami pang iba na madalang naman ang parating.

Dalawa sa pinakamalakas na bagsakan ng OFW Balikbayan boxes ang Port of Manila at Manila International Container Port (MICP). Iyong iba hindi gaano kalakas.

Marahil dahil malabo ang press release ni Commissioner Lina, ang dating tuloy sa mga kritiko ay 100 percent examination. Ang bawat 40-footer container nagkakalaman ng 400 to 500 balikbayan boxes na ipinagbabayad ng nagpadala mula abroad ng US100 hanggang US$500 depende sa layo ng bansa.

Panahon pa ni strongman Marcos nagsimula ito noong si yumaong Tourism Secretary Joe “Sunshine” Aspiras. Mahigpit noon ang inspection. Nito ngang mga nagdaang mga pangulo niluwagan ang pamamalakad at tila isa na rito ‘yung tax exempt ang balikbayan boxes.

Ang patakaran ng Customs, iyon lang mga kargamentong US$500 and below ang allowed ipasok nang walang taripa or buwis. Ito ay pinapayagan idaan sa tinatawag na Informal Entry Division na talagang para sa balikbayan boxes.

Nasilip ito ng mga sindikato kasabwat ang maraming tiwaling empleyado ng Customs at sinamantala ang sistemang ito. Ito ay sa pamamagitan ng pagsisingit o smuggle ng mamahaling shoes, pabango, jewelry, mga sapatos at RTW. Naging regular ang ganitong uri ng smuggling lalo na raw sa P0M o MICP, kasabwat ang mga hinayupak na mga employee nito.

Bukod sa pag-i-smuggle or pagsisingit ng mamahaling mga alahas at accessory ng kotse at computer, grossly undervalued pa ang mga kargmento na dapat sana ipadaan sa Formal Entry Division upang mag-assess ang babayarang buwis. Pero ang nagyayari, kahit sobra-sobra na sa US$500 sa Informal Entry pa rin ang daan at walang buwis na binabayaran, liban sa mga bulsa ng mga taga-Bureau.

Gaano kara-ming mga Balikba-yan cargo sa iba’t ibang bansa ang nagpaparating sa kani-kanilang mga kaanak sa Pinas. Libo-libong containers. Sa Port of Manila, dalawang door-to-door consignee ang tumatabo nang kanilang padala na nakapangalan sa iba’t ibang tao.

Ang masakit dito wala nang buwis, sobra-sobra pa ang kilo at may mga’bomba’ sa loob ng container tulad ng mamahaling  mga alahas, mga signature dresses at shoes na madalas ibinebenta sa malalaking Mall sa Metro Manila.

Itong dalawang door-to-door forwarder ang sabit sa smuggling via balikbayan cargo sa PoM pa lang. Sa MICP na madalas bagsakan lately ng mga asukal, bigas at iba pang smuggled goods.

Kung magiging tama lang ang clarification ni Commissioner Lina maiintindihan ng mga kritiko ang kanyang direktiba.

Ano nga naman ang malay natin, baka may mga illegal drugs sa loob ng boxes.

Ang kulang sa ganitong situation, Commissioner Lina ay close monitoring or surveillance ng iyong intelligence agents at enforcement agents. Kung hindi man sila sabit at sila ay magiging vigilant lang, hindi makalulusot ang mga nagpupuslit sa pamamagitan ng Balikbayan boxes. Hindi naman puwede iyong  ningas kogon na lang sila.

Bukod kasi sa physical inspection na akala ng mga OFW ay 100 percent na hindi naman, kung hindi 10 percent lang, binuwisan na rin ni Commissioner Lina ng P40,000 per 20-footer van at P60,000 sa Oktubre.

Sa mga smuggler, chicken shit lang ito. Ang umaangal ay mga legitimate na OFW dahil sa takot nilang manakawan sila sa orars na binuksan ang kanilang kargamento.

Remember, libo-libo ang dumarating na mga kargamento galing sa mga OFW na bumabayad nga sa kanilang handler or forwarder nang dati ay US$100 per box pero tila tumaas na ito. Takot din ang mga OFW na baka taasan ang singil sa kanila ng kanilang mga handler o iyong door-to-door delivery men.

About Arnold Atadero

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *