Friday , November 15 2024

P367.5-M napupunta sa ‘ghost’ senior citizens kada taon?

NATUKLASAN na maaaring P367.5-milyon umano ang nawawala sa kaban ng Makati City at napupunta sa “ghost” senior citizens taon-taon.

Ito ang pinakabagong iniimbestigahan ng Senate Blue Ribbon subcommittee kaugnay ng mga iregularidad na ginawa raw ni Vice Pres. Jejomar Binay sa panahong alkalde pa siya ng Makati.

Mantakin ninyong ayon kay Makati Action Center chief Arthur Cruto, nagsagawa raw ng bahay-bahay na imbestigasyon sa mga barangay sa Makati pero ang kalahati rito ay hindi kuwalipikado, hindi matagpuan o yumao na.

Halimbawa na rito ang nakatala sa Makati City Social Welfare Department na 1,095 ang benepisyaryo sa Bgy. Kasilawan. Pero nang ma-audit ay lumabas na 660 lang sa kanila ang natagpuan at ang 435 ay hindi nakita sa mga address na nakalagay sa records.

Sa isang address sa Kailawan ay 25 ang may BLU card pero nang ma-check ay tatlo lamang ang nakita roon.

Sa Bgy. Pinagkaisahan ay 938 naman ang senior citizens ang nakalista pero 449 lamang ang nakita. Ang natitirang 489 ay hindi natagpuan sa mga address na nasa records.

Akalain ninyong may mga pagkakataon din umano na ang pirma ng yumao na ang nakita sa records ng mga tumanggap ng regalong pera.

Ang isang senior citizen ay dapat maging rehistradong botante at residente ng Makati para mabigyan ng BLU card at makatanggap ng mga benepisyo. Pangkaraniwang inaabot umano ng P11,750 ang natatanggap nila taon-taon.

Nakatala na may 68,000 senior citizens ang Makati pero matapos ma-audit, lumalabas na 36,720 lamang ang kuwalipikado sa BLU card.

Sa ilalim ng BLU card program na nagsimula sa pamumuno ng noon ay Mayor Binay at nagtuloy hanggang sa ilalim ng anak niyang si Junjun, ang mga senior citizen sa Makati ay tumatangap ng libreng cake, gamot pang-maintenance, grocery, regalong cash at passes sa sine.

Ayon kay Cruto, kung susumahin ang natitirang 31,280 na tumatanggap ng P11,750 benepisyo bawat isa ay magreresulta sa P367.5-milyon kawalan sa lungsod ng Makati kada taon.

Ayon naman kay Sen. Alan Peter Cayetano, sa talaan ng National Statistics Office ay 36,752 ang bilang ng senior citizens sa Makati noong 2010. Wala pa raw siyang nakitang lungsod na dumoble ang senior citizens sa loob ng limang taon.

 “Sila Vice Pres. Binay at ang kanyang pamilya nilinlang ang taumbayan, lalo na ang mga residente ng Makati, na tumutulong daw sila. Pero rito, example, na kailangan nilang gumawa ng ganyang programa para makakabig ng daang milyong piso,” puna ni Sen. Antonio Trillanes.

Nadagdagan na naman ang isyu at akusasyon laban kay Binay pero tulad nang dati, mga mare at pare ko, tiyak na hindi pa rin siya haharap sa Senado para sagutin ang alegasyon.

Manmanan!

***

TEXT 0905-6767673 para sa inyong mga sumbong, puna at reklamo.

About Ruther D. Batuigas

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *