Bago natapos ang pelikulang ito’y maraming problema ang kinaharap kasama na ang pagpapalit-palit ng mga bidang artista. Pero nakatutuwang si Dennis Trillo ang pinaka-final actor na napili para gumanap na Ka Felix.
Aminado si Dennis na medyo nahirapan siya sa karakter na ginampanan niya dahil kinailangan niyang aralin ang mga gawi at pananalita ni Ka Felix. Hindi raw kasi basta-basta ang pangangaral na ginagawa. Mayroon pala itong tamang pagbasa at pamamaraan. Bukod pa sa mahahaba ang mga linyang kanilang binibitawan.
Inamin din ni Dennis na malaki ang TF na natanggap niya rito na siyang tama lamang dahil hindi naman biro ang galing din ni Dennis kung pag-arte ang pag-uusapan. Hindi rin naman matatawaran ang galing ng isang Dennis Trillo.
Ayon kay direk Joel, personal choice niya si Dennis dahil”Mahusay siya. Apat na ang pelikulang nagawa naming.Alam kong mayroon siyang dedication sa work and focus sa trabaho. Hindi ako nagdalawang-isip na si Dennis na rin ang gumanap hanggang sa pagtanda ni Ka Felix dahil alam kong kaya niya. At nakatutuwang ganoon din ang tiwalang ibinigay sa kanya ng Viva Films.”
Sinabi pa ni direk Joel na posibleng maulit ang pag-grand slam ni Dennis dito sa Felix Manalo tulad ng nangyari sa pelikulang Aishite Imasu (Mahal Kita).
Si Ka Felix ang unang Executive Minister ng Iglesia Ni Cristo na gagampanan ni Dennis, samantalang si Bela Padilla naman si Honorata, ang butihing maybahay ni Ka Felix, ang nasabing monumental film ay nagte-trace sa origins at growth ng INC church mula sa humble beginnings nito noong 1914 hanggang sa kasalukuyang panahon.
Ang Felix Manalo movie ay sasalamin sa buhay ni Ka Felix mula sa kanyang kapanganakan noong 1886 hanggang sa pagyao noong 1963.
Fifty-seven days tumakbo ang shooting sa loob ng walong buwan kasama ang ilan sa natatangi at award-winning na production people ng bansa.
Ang istorya ni Ka Felix ay ibinase sa extensive research, pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan sa INC na nagbunga ng elaborate production sets at costumes na nagbigay-buhay sa specific time periods sa istorya na talaga namang kahanga-hanga a t kamangha-mangha.
Sa pangkalahatan, ang pelikulang Felix Manalo ay hindi lamang tungkol sa INC dahil tinatalakay din dito ang mga hirap at pagsubok na pinagdaanan ni Ka Felix sa buhay. Kaya isa itong excellent showcase kung paano nalagpasan ng isang ordinaryong tao ang iba’t ibang hamon sa kanyang matibay na paniniwala at pagmamahal sa Diyos.
Dito rin makikilala ng moviegoers na si Ka Felix ay isang normal at ordinaryong tao rin, isang responsableng asawa at mapagmahal na ama.
Katulong ni Direk Joel at ng Viva Films sa pagbuo ng pambihira at nakai-inspire na pelikulang ito ang ilang topnoth at respetadong production people sa bansa tulad ng director at photography na si Rody Lacap, costume designer na si Joel Marcelo Bilbao, production designer na si Edgar Littaua, Danny Red para sa set designer, at construction, musical director na si Von de Guzman, at sound engineer na si Albert Michael Idioma.
Kasama rin sa pelikulang ito sina Lorna Tolentino, Gabby Concepcion, Richard Yap, Mylene Dizon, Yul Servo at marami pang iba.’
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio