Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lebron James nasa Pinas na

051415 Lebron James
DUMATING na sa Pilipinas ang superstar ng Cleveland Cavaliers na si LeBron James.

Lumapag ang private jet ni James kagabi at dumiretso siya sa isang hotel sa Makati kung saan doon siya mananatili sa susunod na tatlong araw.

Ang sikat na sapatos na Nike ang sponsor ng pagbisita ni James sa Pilipinas na huli niyang binisita noong 2013.

Ngayong hapon ay haharap si James sa mga manunulat sa isang press conference at pagkatapos ay didiretso siya sa Mall of Asia Arena kung saan haharapin niya ang mga batang kasali sa reality basketball show na Nike Rise ng TV5.

Noong isang linggo ay nag-alok ang Nike ng mga libreng ticket para sa pagbisita ni James sa MOA Arena ngunit inubos ito sa loob lang ng 15 na minuto.

Kagagaling lang si James sa pagkatalo ng kanyang Cleveland Cavaliers sa NBA Finals noong Hunyo kontra sa Golden State Warriors na pinangunahan ni Stephen Curry.

Si Curry naman ay susunod kay James sa pagbisita sa ating bansa sa Setyembre. (James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About James Ty III

Check Also

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …

Kira Ellis Fernando Casares SEAG

PH completes sweep of 3 triathlon golds

RAYONG, Thailand – Nilinis ng koponan ng triathlon ng Pilipinas ang lahat ng tatlong gintong …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …