Wednesday , December 25 2024

Mga ini-restore na pelikula ng ABS-CBN, mapapanood na sa Rockwell

081915 sagip pelikula ABS-CBN

00 SHOWBIZ ms mKAHANGA-HANGA ang adbokasiya/proyekto ng ABS-CBN sa pamamagitan ng kanilang Film Restoration Project para muling bigyan ng bagong ningning o maayos ang mga luma o tinatawag na Filipino classic films.

Matagal-tagal na rin namang isinasagawa ng ABS-CBN ang pagre-restore ng mga lumang pelikula. Sinimulan nila ito noong 2011 na layuning mapanatiling buhay ang cinematic history ng mga Filipino. Katuwang nila sa pagsasagawa nito ang Central Digital Lab, ang pinakaunang restoration na ginawa mismo sa bansa.

Ayon nga kay ABS-CBN head of Content Management Group, Film Archives & Special Projects Leo Katigbak nakalulungkot kapag may mga nakakausap siyang mga estudyante o kabataang hindi na kilala ang mga magagaling na artista o director noon. “Nakahihinayang din na marami tayong magagandang pelikula na sira-sira na dahil na rin sa hindi maayos na pag-storage nito dahil sa ating panahon,” paliwanag ni Katigbak.

At simula noong 2011, mahigit 100 titulo na ang nairestore ng ABS-CBN Film Restoration Project na ilan sa mga ito ay naipamalas na sa international film fests, naipalabas sa bansa via red carpet premieres, naiere sa free-to-air at cable television, natunghayan sa pay-per-view at video-on-demand, nabili sa DVD, at na-download maging sa iTunes.

At bilang pagpapatuloy ng pagre-restore ng mga pelikulang Pinoy, panoorin ang mga ito in full HD o high definition format sa REELive the Classics film exhibition simula Agosto 26 hanggang Setyembre 1 sa Rockwell Cinema 5.

Sa unang pagkakataon, ipalalabas sa publiko sa loob ng isang lingo ang restored films ng ABS-CBN Film Restoration Projects sa pakikipagtulungan sa Rockwell Cinemas.

“Natutuwa kami na nakikiisa ang Rockwell sa aming proyekto at ang espesyal na mga screening sa kanilang sinehan ay magbibigay pagkakataon sa mga manonood na ma-enjoy ang mga pelikula sa kung paano ito nakita ng mga may likha nito. Sana simula pa lang ito ng marami pang exhibitions namin ng restored films,” giit pa ni Katigbak. “Nakatutuwa rin na marami sa ating mga artista ang nagpahayag ng suporta sa adbokasiyang ito tulad ni Piolo Pascual na isa sa kauna-unahang nagbigay-suporta rito.”

May tie-up na rin ang ABS-CBN Film Restoration sa UP Film Center para roon ipalabas ang mga pelikulang na-restore.

Samantala, mapapanood sa Rockwell Cinemas ang mga pelikulang Sarah Ang Munting Prinsesa at Got To Believe. Mapapanood din ang Sana Maulit Muli, One More Chance, Oro Plata Mata, T-Bird at Ako, Karnal, Hindi Nahahati Ang Langit, at Tanging Yaman. Para sa kompletong movie schedule ng REELive the Classic mag-log on sa http://www.facebook.com/filmrestorationabscbn.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *