Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Panagininp mo, Interpret ko: May babae ba si mister?

00 PanaginipMuzta Señor,

Nagtext uli aq after 7 mo. yata dahil s drim q nung 1 gbi, my ibang babae dw kase yung husbnd q, nag-aalala tuloy aq kng anu meaning ni2 at kng tlgng my babae kea cya? Tpos nito gumawa p ng palpk na mga bagay s akin bale ang epekto, prang ganun po, medyo d ko maalala iba detalye e, Taurus ng Marikina, wag u na lang po-post ung cell no. q po, slmat

To Taurus,

Ang ganitong tema ng panaginip ay nagha-highlight sa iyong mga insecurities at ng iyong takot o pangamba na ikaw ay maabandona o iwanan ng minamahal sa buhay. Posible rin na nakakaramdam o naiisip mo na ikaw ay nababalewala o kaya naman, ikaw ay taken for granted. Pakiwari mo ay hindi ka nabibigyan o napaglalaanan ng sapat na atensiyon o kaya, ang iyong asawa ay hindi ka binibigyan o pinag-uukulan ng sapat na pagmamahal. Pakiwari mo ay kulang o walang init ang pagtingin o trato niya sa iyo. Alternatively, pakiramdam mo ay hindi ka umaabot sa inaasahan o expectations sa iyo ng iba, lalo na ang mga malalapit sa iyo. Ito ay maaaring nangangahulugan din ng paghahanap ng outlet para sa iyong nadarama. Alternatively, posible rin na ang temang ganito sa bungang-tulog mo ay nagpapakita na ikaw ay hindi satisfied sa kasalukuyan mong karelasyon. Maaari rin namang nagsasaad ito na may itinatago kang guilty feelings ukol sa isang sexual relationship, o kaya naman, ikaw ay naghahanap o nagnanasa para sa mas erotic na sex life. Ang ganitong uri ng panaginip ay nagpapakita rin ng kawalan ng tiwala sa iyong asawa. Dapat mong tandaan na ang tiwala ay isa sa pundasyon ng maayos at matiwasay na pamilya at pagsasama ng isang couple, mag-asawa man sila o magkasintahan. Kaya, marapat lamang na lagi itong isa-alang-alang, lalo na kung wala ka namang sapat na rason upang magduda sa iyong asawa. Hindi sapat ang panaginip upang maging mitsa ng pag-aalinlangan mo sa iyong mister dahil maaaring may ibang bagay na naging dahilan lamang upang mag-trigger ng ganitong klase ng panaginip. Kung anuman, pag-usapan nang mahinahon at maayos ang hindi pagkaka-unawaan at anumang bumabagabag sa inyo, pati na ang posibleng maging ugat para ikasira ng inyong pamilya, bago pa man ito lumala at upang magkaliwanagan talaga kayo.

Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

NUSTAR Online Sinulog

NUSTAR Online binigyang parangal Pista ng Sinulog, nagbigay-serbisyo sa mga taga-Talisay

HABANG ang mga kalsada sa Cebu ay buhay na buhay sa sayawan, kantahan, at bonggang …

DOST-Central Luzon joins Uhay Festival celebration in Nueva Ecija

DOST-Central Luzon joins Uhay Festival celebration in Nueva Ecija

The Department of Science and Technology – Central Luzon, under the leadership of its Regional …

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

Nasugbu, Batangas –  SM Foundation in collaboration with Costa Del Hamilo, Inc. and the barangay …

PUP Ad Congress FEAT

Let’s Play! Future Creatives Take the First Move at 22nd AdCongress

In an industry where every move counts, the 22nd Advertising Congress (AdCongress) challenges the next …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …