Aries (April 18-May 13) Ang araw na ito ay nangangakong magiging kapakipakinabang sa maraming paraan.
Taurus (May 13-June 21) Mainam ang araw na ito sa paglilibang kasama ang malalapit na kaibigan.
Gemini (June 21-July 20) Ngayon ay magninilay-nilay ka sa mga kabiguan sa iyong buhay. Suriin ang mga ito at itama ang mali.
Cancer (July 20-Aug. 10) Posibleng dapuan ng karamdaman. Pagtuunan ng pansin ang diet, bumaling sa natural at sariwang pagkain. Uminom ng fruit juices.
Leo (Aug. 10-Sept. 16) Posibleng maapektuhan ang iyong pananaw sa matinding sitwasyon sa politika.
Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Kailangan mo ng tulong-pinansiyal mula sa iyong mga kaibigan. Huwag mahihiyang mangutang kung kailangan.
Libra (Oct. 30-Nov. 23) Posibleng makakilala ng bagong tao na maaaring humantong sa matatag na relasyon.
Scorpio (Nov. 23-29) Huwag masyadong maging kritikal sa sarili, unawain ang iyong damdamin.
Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Tandaan na ano mang itatayong bagong negosyo ay hindi magiging madali. Mairerekomendang magsagawa muna ng objective assessment.
Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Mainam ang araw ngayon para sa mga nagbabalak bumiyahe.
Aquarius (Feb. 16-March 11) Ang iyong katatagan ay higit na maalakas ngayon, kaya gamitin ito.
Pisces (March 11-April 18) Ang planong mga aktibidad kasama ang pamilya ay lalong magpapatibay sa samahan.
Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Maaaring madesmaya sa iyong sariling abilidad. At pagkaraan nito ay babalik din ang iyong kompiyansa.
ni Lady Dee