“Misteryo rin sa akin kung paano ako pumatok. ‘Yung unang salang ko natalo ako. Naisip ko walang saysay ito. Tapos natalo na naman ako ng isang beses. Okay lang. May na-tap pala ako na audience na hindi nanonood ng TV o walang TV sa bahay,” saad ng dating English instructor at call center agent.
Nakuha ni Ryan Rems ang kiliti ng mga manonood dahil sa kanyang sumikat na signature line na “rock and roll to the world.”
At kompara sa mga nakatapat na komikeros niya sa Funny One, kalmado lang sa entablado si Ryan Rems na matagal na raw niyang estilo sa pagpe-perform bilang isang stand-up comedian.
“Sabi nila pangmatalino ang jokes ko, hindi naman talaga. Ganito na lang ‘yun: Sa isang bahay, may isang makaka-gets sa akin. ‘Yung apat, mumurahin lang ako. Kahit isang tao lang sa bahay na may maka-gets sa akin, okay na sa akin,” aniya.
Kasabay ng paglulunsad ng bagong segment ni Ryan Rems, ay ang unti-unting pagdami ng kanyang mga tagahanga, pati na mga kababaihan.
“Dati, sanay ako na isa o dalawang message lang sa Facebook per week. Ngayon ‘di na mabilang. May mga babae rin na nagme-message sa akin, mga nagsasabing ‘Sinira mo ang mundo ko, Ryan Rems. Sayong sayo na ako,” pahayag ni Ryan Rems habang tumatawa.
Bagamat hindi komportableng magtanghal sa TV si Ryan Rems noon, aminado naman siyang mas nagiging relaxed na siya rito. Dagdag pa niya, bukas daw siya sa kahit anong offers na umarte at bumida sa sitcom.
Bukod pa kay Ryan Rems, makikita rin sa telebisyon ang iba pang komikeros na Crazy Duo (1st runner-up), Nonong Ballinan (2nd runner-up), No Direction (3rd runner-up), at Gibis Alejandrino (4th runner-up).
Kaya makisaya sa buong barkada ng It’s Showtime, 12:15 p.m.mula Lunes hanggang Biyernes at 12NN tuwing Sabado sa ABS-CBN. Para sa updates ng programa, sundan ang @ItsShowtimena sa Twitter, @ItsShowtimeOfficial_IG sa Instagram, o i-like ang www.facebook.com/itsShowtimena.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio