Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

James Blanco, sasabak na rin sa indie film via Balatkayo (An OFW Story)

081715 James blanco baby go

00 Alam mo na NonieMAPAPASABAK sa love scene si James Blanco sa Balatkayo (An OFW Story). Ang pelikulang ito ay mula pa rin sa produksiyon ni Ms. Baby Go, ang reyna ng indie at advocacy films.

Ayon kay James first time niyang gagawin ito sa pelikula. “Wala kay Aiko, pero parang medyo mababago yata. Kay Nathalie (Hart) ang mayroon, marami.

“First time ko siguro gagawa ng ganitong kissing scene, na may bed scene pa yata. Sa TV naman kasi, yung mga bed scene, bawal naman iyan e.”

Iyong role mo rito bilang pervert na OFW, challenge ba sa iyo yun bilang actor?

“Oo, very challenging, pero siguro ay hindi naman ganoon magiging kahirap. Ang atake ko siguro sa role, parang magiging naughty lang. Malalaki na kasi ang mga anak ko, napag-usapan naman namin ng manager ko…

“Like, sinabi nga ni Direk Buboy, hindi naman kailangan ng nude e. Iyon naman ang principle ko sa buhay since nag-start akong mag-artista. Siguro noong bata-bata pa ako, baka mapilit ako, baka magdalawang isip pa ako.

“Pero ngayon na 10 years old na iyong eldest ko, may mga tanong na kasi siya kapag napapanood na may kissing scene ako, e. Siguro, hindi talaga tayo para maghubad or ano e, pero yung kissing scene ay okay lang.

“Kasi siyempre marami nang tanong iyong mga bata, ayaw ko silang magkaroon ng malisya sa mga ginagawa ko,” mahabang esplika pa ni James.

Ang Balatkayo (An OFW Story) ay ukol sa mag-asawang kapwa OFW na nagtratrabaho sa Taiwan at Dubai. Pareho silang may kulasisi sa abroad at nagpapanggap na lang na buo ang kanilang pamilya kapag umuuwi sila sa Pilipinas. Masasangkot sa sex scandal ang kaisa-isa nilang anak na binatilyo at magpapakamatay ang kasintahan niya, kaya masisira ang buhay nito.

Bukod kina James at Nathalie, tampok dito sina Aiko Melendez, Rodjun Cruz, Bryann Foronda, at iba pa, mula sa direksiyon ni Neal ‘Buboy’ Tan.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …