Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angel, ibinuking ni Dimples na nagpa-practice nang mag-alaga ng baby

081715 Dimples angel

00 Alam mo na NonieNAPANOOD namin last week ang indie film na Homeless ng BG Productions International na pag-aari ni Ms. Baby Go. Ang pelikula na pinagbibidahan nina Ejay Falcon, Snooky Serna, Martin del Rosario, Dimples Romana, Hayden Kho, Chokoleit, Ynna Asistio, at iba pa ay mula sa direksiyon ni Neal ‘Buboy’ Tan.

Showing na ito sa August 26 at sa aming panayam kay Dimples, nalaman namin kung ano ang epekto sa kanya ng role niya sa proyektong ito.

“Nanay ako rito of many children and after doing that movie, I had to really dig deep and realize kung paano ba talaga ang pakiramdam ng isang ina na nawalan ng mga anak.

“Ako kasi nawalan ng kapatid, pero kapatid iyon. Iba kasi kapag anak mo na.

Ako nga, iniisip ko pa lang, Diyos ko Lord! Na kung si Callie yun or si Alonzo, yung aking five month old na baby, talagang parang madudurog na ang puso ko.

“Kaya more than anything, I think the realization is to really value life and really be good to our environment. Kasi minsan nakakalimutan natin na ang mga trahedya hindi ba, can really be caused ng mga basurang itinatapon natin?”

Ukol naman sa best friend niyang si Angel Locsin, nasabi ni Dimples na nami-miss na niyang makatrabaho ito. “Alam mo, nami-miss ko na siyang makatrabaho, kaya lang busy si Gel ngayon. Hindi ba nagsu-shoot sila ng movie withTita Vilma (Santos) at Xian (Lim).

“Pero si Angel, nagpupunta sa bahay iyan, nag-aalaga ng baby ko. Sweet siya talaga, sobrang sweet niya. Ninang si Angel ng baby ko.

“Pupunta iyan sa bahay at sasabihin niyan, ‘Mare, mag-date muna kayo ni Boyet,’ ng husband ko. ‘Ako muna sa bata.’ Sasabihin ko, ‘Naku! Ikaw, nagpa-practice, ka huh!’”

Palagay ba ang loob mo kapag si Angel ang tumitingin sa baby mo?

Sagot ng Kapamilya aktres, “Ay palagay po ako, dahil alam na alam ko na kapag lumaki iyong bata, cowboy.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …