Saturday , November 23 2024

Ang pananampalatayang Filipino (Ikatlong Bahagi)

USAPING BAYAN LogoANG pangunahing katangian ng unang simbahan ay ang pagiging samahan o komunidad ng mga naniniwala kay Hesus. Sila ay nagkikita-kita sa isang partikular na lugar (na ngayon ay tinatawag nating simbahan) at isang partikular na oras para sa isang partikular na gawain (kung tawagin natin ito ngayon ay misa, oras ng pagsamba, prayer meeting o fellowship).

Noong 70 AD, sa isang konseho ng mga Hudyo (Jamnia Council) ay inekskomunikado ng mga pinuno ng Judaismo ang mga tagasunod ni Hesus. Dahil sa mga naunang pagsisikap ni San Pablo ng Tarsus (5 AD – 67 AD) na palaganapin ang katuruan ni Hesus sa mga Gentil, naging daan ang ekskomunikasyon sa malayang pagpasok ng mga tulad nating hindi Hudyo sa eksklusibong komunidad ng mga naniniwala kay Hesus.

Unang ginamit noong 110 AD ni Obispo Ignatius ng Antioch, Syria ang salitang Kristiyano. Ang Antioch ang ikatlo sa pinakamahalagang lungsod sa Imperyong Romano kasunod ng mga lungsod ng Roma sa Italya at Alexandria sa Ehipto.

Noong 325 AD ay naging opisyal na relihiyon ng Imperyong Romano ang Kristiyanismo matapos ipatawag ng paganong Romanong emperador na si Constantine ang Konseho ng Nicea (pansinin na noong 337 AD lamang nagpabinyag bilang Kristiyano si Emperador Constantine. Ito ay ilang sandali bago siya namatay). Sa Konseho ng Nicea pormal na ipinanganak ang simbahang Katoliko at dito rin nag-umpisa ang pag-usig sa mga Hudyo ng simbahan sa tulong ng Imperyong Romano.

Unang nagkaroon ng iskismo sa simbahang Katoliko noong 1054 AD matapos biglang angkinin ng Roma ang kapangyarihan para pamunuan ang lahat ng simbahan na nasasakop ng kanluran at silangang bahagi ng Banal ng Imperyong Romano (Holy Roman Empire). Nahati tuloy sa silangan at kanluraning paksiyon ang simbahan. Iyong mga nasa silangan at hindi nagpailalim sa Roma ay tinawag na Simbahang Orthodox samantala ‘yung nasa kanluran, na ang sentro ay Vaticano, tinawag naman na Katoliko Romano.

(May kasunod sa Biyernes)

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring pumunta kayo sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subd. Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City, Laguna. Malapit lamang sa Kalakhang Maynila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala ng mensahe sahttps://www.facebook.com/privatehotspringresort?fref=tspara sa karagdagang impormasyon o reserbasyon.

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *