Under Investigation si Tolome… iniinterview siya ng pulis…
PULIS: Tolome saan ka nakatira?
TOLOME: Kasama po ng mga magulang ko…
PULIS: E saan naman nakatira ang mga magulang mo?
TOLOME: S’yempre po kasama ko…
PULIS: E saan nga kayo nakatira?!
TOLOME: Sama-sama po kami sa iisang bahay…
(Pulis medyo iritado na)
PULIS: E saan nga ‘yung bahay ninyo?!
TOLOME: Katabi po ng kapitbahay namin…
PULIS: E saan naman ‘yung lugar ng kapitbahay ninyo?!
TOLOME: Baka po ‘pag sinabi ko sa inyo ‘e hindi kayo maniwala…
PULIS: E saan nga?!
TOLOME: Kasunod po ng bahay namin Sir!
PULIS: Grrrr (sabay walkout).