Bus driver na killer adik din pala
Ruther D. Batuigas
August 15, 2015
Opinion
ISA na namang malagim na trahedya ang naganap sa lansangan na ikinasawi ng apat na katao at ikinasugat ng hindi bababa sa 18 iba pang pasahero.
At ito ay bunga ng kagaguhan ng tsuper ng naaksidenteng Valisno Express bus na si George Pacis, na akalain ninyong nagpositibo sa paggamit ng shabu nang i-drug test ng Quezon City Police District.
Naaksidente ang minamanehong Valisno bus ni Pacis na papuntang San Jose del Monte City sa Bulacan nang sumalpok sa kongkretong arko sa Quirino Highway na nagsisilbing tanda ng boundary ng Quezon City at Caloocan City bandang 7:20 ng umaga nitong Miyerkoles.
Ayon sa dalawang pasahero ay humahagibis daw ang takbo ng bus nang maaksidente sila.Mayroon din nagsabi na binilisan ng gagong driver ang takbo ng bus nang makantiyawang, “Ang bagal mo naman.”
Nais daw nitong magpasikat sa kapwa dri-ver na nakasakay noon sa bus.
Bagamat tumakas si Pacis matapos ang naganap at inabandona ang bus, pati na ang mga kawawang pasahero, ay naaresto ang hi-nayupak kinahapunan sa Balagtas, Bulacan.
Nahaharap ngayon ang ‘impakto’ sa kasong “reckless imprudence resulting in multiple homicide, multiple physical injuries and multiple da-mage to property” kaugnay ng “Anti-Drunk and Drugged Driving Act.”
Ang katwrian ni Pacis ay nawalan lang siya ng kontrol sa bus matapos mag-overtake sa ibang sasakyan. Kahit patuloy niyang itinatanggi ang pagdodroga ay kabaligtaran naman ang lumabas sa drug test, kaya walang maniniwala sa kanya.
At kung hindi ba naman saksakan nang walanghiya ang damuho, nagawa pa niyang magdroga sa kabila ng katotohanan na isa siyang tsuper ng pampasaherong bus at nakasalalay sa kanya ang buhay at kaligtasan ng kanyang mga pasahero.
Sinuspinde ang operasyon ng 62 bus ng Va-lisno at pati na ang tsuper na si Pacis. Ayon sa namamahala ng Valisno Express ay magbibigay sila ng tulong pinansyal sa mga biktima.
Pero ang tanong ay sapat na ba ang ganitong mga pananagutan sa mga trahedya na tulad nito? Ilang ulit nang nabangga ang mga pampasaherong bus at sandamakmak na buhay na ang nawala dahil sa kagaguhan ng mga tsuper na nagkakarerahan o nagmamaneho habang bangag.
Bakit pinapayagan ng mga operator ng bus na makapagmaneho ang mga adik na tulad ni Pacis? Alangan namang hindi nila alam ang bisyo at kawalanghiyaan ng kanilang driver?
Para magtanda at mag-ingat sa pagtanggap ng tsuper ay dapat mabigat din ang parusa sa operator.
Dapat sinasala nang husto ang mga kinukuhang tsuper at isaalang-alang na araw-araw ay hindi mabibilang na buhay ang nagiging responsibilidad nila sa bawat biyahe.
Ang pagpapakita ng lisensya ay hindi sapat, mga mare at pare ko, dahil nabibili o napepeke na ito ngayon.
Tandaan!
***
SUMBONG: “Bakit ang mga MMDA at pulis nag-uumpukan lang, panay ang text? Ang trapik na. Ang inaabangan nila mga truck para koto-ngan dyan sa Congressional tuwing gabi.”
***
TEXT 0905-6767673 para sa inyong mga sumbong, puna at reklamo.