POSITIBONG nasa impluwensiya ng droga ang driver ng Valisno Bus Line nang maganap ang pagkabangga ng bus sa isang arko na kumitil sa buhay ng apat katao nitong Miyerkoles ng umaga sa Quirino Highway, Quezon City.
Ayon kay Sr. Insp. Marlon Meman, hepe ng Traffic Sector 2, lumabas na positibo sa droga ang driver na si Georpe Pacis sa isinagawang drug test.
Kaugnay nito, nakatakdang kasuhan ng reckless imprudence resulting in damage to property, multiple physical injuries, multiple homicide at paglabag sa Article 275 ng Revised Penal Code (abandoning a person in danger or one own’s victim) si Pacis, 35, kasalukuyan nakakulong sa QCPD Traffic Sector 2 Detention Cell.
Matatandaan, tumakas pa ang suspek makaraan ang malagim na insidente ngunit hindi siya tinamtanan sa pagtugis ng mga operatiba ng QCPD Sector 2 sa pangunguna mismo ni Sr. Insp. Memam, hanggang maaresto si Pacis sa kanyang tinutuluyan sa San Jose Del Monte City, Bulacan.