ISANG reliable source ang nagpapatunay na isa na talagang reformed person ang isang sikat na male celebrity. Gone are the days ng kanyang pambababae, na halos ikawasak ng pagsasama nila ng kanyang misis.
Pero kaunting throwback. Ang buong suspetsa kasi ng showbiz, isang aktres mula sa isang showbiz clan lang ang naugnay sa popular male celeb. Water under the ridge na, ‘ika nga, ang kabanatang ‘yon sa buhay ng aktres, now in the US and happily married to her childhood sweetheart.
Pero bukod pala sa kanya, “nasilo” rin pala ng ating palikerong bida ang isangTV host-actress, who’s a chip off the old block.
At ano ang ibig naming sabihin? Tulad ng kanyang ina ay glamorosa rin ang aktres na ‘yon na binigyan umano ng condo unit ng babaerong personalidad.
Itago na lang natin ang TV host-actress na ‘yon sa alyas na Dyesebel Ikabod.
(Ronnie Carrasco III)