Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Palestine unang kalaban ng Gilas (FIBA Asia Championships)

081415 2015 FIBA Asia Championship
MAGIGING unang asignatura ng Gilas Pilipinas ang Palestine sa Setyembre 23 sa pagbubukas ng 2015 FIBA Asia Championships sa Changsha, Tsina.

Magsisimula ang laro sa alas-11:45 ng umaga sa CSWC Dayun Gym at mapapanood ito nang live sa TV5.

Kinabukasan ay makakalaban ng Gilas ang Hong Kong sa alas-9:30 ng umaga at ang Kuwait sa Setyembre 25 sa alas-4:45 ng hapon.

Llamado ang mga Pinoy na walisin ang kanilang kalaban at umabante sa susunod na round sa torneo kung saan tanging ang kampeon nito ay mapupunta sa 2016 Rio Olympics.

Dating nagharap ang Pilipinas at Hong Kong sa 2013 FIBA Asia Championships dito sa Maynila.

Inaasahang lalaro ang dating import ng Globalport sa PBA na si Omar Krayem sa lineup ng Palestine.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About James Ty III

Check Also

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …

Kira Ellis Fernando Casares SEAG

PH completes sweep of 3 triathlon golds

RAYONG, Thailand – Nilinis ng koponan ng triathlon ng Pilipinas ang lahat ng tatlong gintong …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …