Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Naliligong ginang kinuhaan ng video bosero kalaboso

NAGHIHIMAS ng rehas na bakal ang isang 21-anyos lalaki makaraan mahuli sa akto habang kinukuhaan ng video ang magandang ginang na hubo’t hubad na naliligo sa Navotas City kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang suspek na si Ramir Andres, ng 417 Road 10, Brgy. North Bay Boulevard North ng lungsod, nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9995 o Anti-Voyeurism Act.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong 5:30 p.m. nang mangyari ang insidente nang bosohan ng suspek mula sa bintana ang biktimang si Grace, 35, habang naliligo.

Salaysay ng ginang, napansin niya ang isang puting cellphone na nakalawit sa siwang ng bintana ng kanilang banyo kaya agad siyang nagtapis at humingi ng tulong sa kanyang mister.

Hindi nakapalag ang suspek nang hulihin ng taong bayan at nang suriin ang cellphone ay nakitang naka-record ang ginang habang naliligo sa loob ng banyo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …

LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Earl Jonathan at Anne Krystel naging ‘Anghel’ ni Sylvia 

ni Allan Sancon ISA sa mga pinakatumatak na pelikulang kasali sa 51st Metro Manila Film Festival ngayong …

BingoPlus G2E Asia PH FEAT

BingoPlus furthers Responsible Gaming and Corporate Social Responsibility Campaign at G2E Asia PH

Erick Su, Head of ArenaPlus under DigiPlus Interactive Corp. at the G2E Asia PH 2025. …