Ginagawa niya sa kasalukuyan ang Matangtubig ni Direk Jet Leyco para sa QCinema 2015. “I’m a mala-Atom Araullo type na reporter from the most famous network and I’m very famous reporter din. I’m probing a sensational murder case in the town of Matangtubig.”
Ang fourth movie ni Lance ay Manang Biring na first time na gagawin sa bansa, na ga-gamit ng kakaibang animation technique.
“Ito ‘yung kauna-unahang Filipino movie na totoong artista ‘yung ginamit, kami, pero sa mo-vie ay magiging cartoons kami. So kami mismo, parang sa post production, parang ile-layer ‘yung cartoons sa amin. So, hindi na kami idinrowing, kami mismo ‘yung gumagalaw. Pero mukha kaming cartoons.”
Dagdag niya, “So, makikita ko ang sarili ko bilang isang cartoon. Pero hindi ito tulad ng Paddington, hindi ba boses ni Xian (Lim), tapos ay bear, hindi ba? Eto, kami mismo, so the whole time ay nagfi-film kami sa isang special na studio.”
Recenlty, na-nominate si Lance bilang Best Supporting Actor For Foreign Language Film sa Madrid International Film Festival 2015 para sa pelikulang Gemini ni Direk Ato Bautista.
Nabanggit din ni Lance na after gumawa ng kaliwa’t kanang indie films ay gusto niyang su-bukan namang mag-TV ulit.
“Happy ako sa takbo ng career ko. After ng four indie films, kung ibibigay ni Lord na magkaroon ako ng teleserye, magiging extra happy ako,” nakangiting wika ni Lance.
ALAM Mo NA! – Nonie V. Nicasio