Isinama kami ni Nanay Cristy Fermin sa pagdalaw sa natulikap naming mag-ina ni Phillip Salvador na sina Vivialyn Dungca at Denise Ysabelle sa Angeles, Pampanga.
At doon namin nakita ang payak na buhay nina Via na sinikap na igapang ng mag-isa ang anak hanggang makatapos ito ng kursong Tourism at nakapagtrabaho na nga sa Tourism office ng Pampanga.
Nakadalo naman si Kuya Ipe sa graduation ng anak. Pero dahil may iba ng pamilya ito, hindi na magampanan ang obligasyong pinansiyal para sa mag-ina o sa anak man lang niya.
Pero may happy disposition ang mag-ina. At natuwa nang husto nang makita na ang ikalawang ina ni Via na si ‘Nay Cristy na siya ring takbuhan nila noong paslit pa lang si Ysa.
Kung may pagkakataon gusto pa rin ni Via na makalabas sa mga programa sa TV. Si Ysa naman eh, nagnanais na makasalang sa modelling stints.
Sa pagdating uli ng kanilang nanay-nanayan, ‘di malayong tuluyan nang umayos ang kanilang katayuan.
HARDTALK – Pilar Mateo