NANGAKO ang tserman ng bagong ligang Pilipinas Commercial Basketball League (PCBL) na si Manuel “Buddy” Encarnado na ibabalik nito ang konsepto ng komersiyal na basketball sa Pilipinas na sa tingin niya ay unti-unting nawawala.
Sa panayam ng programang Aksyon Sports ng Radyo Singko 92.3 News FM kahapon, sinabi ni Encarnado na pakay ng PCBL na muling buhayin ang nasimulan nang nabuwag na ligang MICAA at Philippine Basketball League (PBL).
Si Encarnado ay dating tserman ng PBA at board governor ng Sta. Lucia Realty na kumalas sa PBA noong 2011 nang ibinenta ang prankisa nito sa MVP Group at ito’y naging Meralco Bolts.
Bukod sa Sta. Lucia, kasama rin sa PCBL ang EuroMed, Tanduay Rhum, KeraMix, Racal Motors, Jumbo Plastic, Cagayan Valley Rising Suns at Foton.
Halos lahat sila ay galing sa PBA D League.
(James Ty III)