Boyfriend:may ibibigay ako sa iyo. Pero hulaan mo
Girlfriend: Big-yan mo naman ako ng CLUE.
Boyfriend: Kailangan ito ng leeg mo…
Girlfriend: Kuwintas?
Boyfriend: Hindi…
Girlfriend: Ano?
Boyfriend: Panghilod 🙂
***
HONEY: Alam mo, DINEYT ako ng BF ko kagabi sa isang malaking RESTORAN. Grabeng dami ng choices sa foods!
JENNY: Wow! Anong name ng restoran!
HONEY: FOOD COURT daw!
***
Apo: Bilib po talaga ako sa inyo, Lola, hanggang ngayon sweetheart at honey pa rin ang tawag ninyo kay Lolo!
Lola: Ssh! Huwag kang maingay, apo. Teknik ko lang iyan. Nakalimutan ko na kasi ang pangalan ng Lolo mo.