Wednesday , November 20 2024

PBA lalong lalakas — Non

081215 Robert Non PBA
NANINIWALA ang bagong tserman ng Board of Governors ng Philippine Basketball Association na si Robert Non ng San Miguel Corporation na lalong sisigla ang liga sa pagdaos ng ika-41 na season nito simula sa Oktubre.

Muling nahirang ng PBA board si Non bilang tserman kapalit ni Patrick Gregorio sa pagsisimula ng planning session ng lupon sa Tokyo, Japan.

“We’ve long envisioned the PBA to be a way of life among Filipinos,” wika ni Non na huling naging tserman noong 2012. “We want to sustain that attitude by giving the fans what they crave for – our product which is exciting, thrilling basketball.” “Chairman Patrick Gregorio’s tenure was a success story in the PBA and we’d like to sustain that growth.”

Iniulat ni Gregorio na umabot sa mahigit P200 milyon ang gate receipts ng PBA sa huling season na natapos noong Hulyo.

Kabilang nito ay ang 52,612 na kataong nanood ng opening ceremonies ng 2014-15 season noong Oktubre sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Magiging vice-chairman ng lupon si Erick Arejola ng Globalport habang si Ramoncito Fernandez ng North Luzon Expressway ay magiging ingat-yaman.

Pormal na naging komisyuner si Chito Narvasa kapalit ni Chito Salud na magiging pangulo at CEO ng PBA.

Inaasahang pag-uusapan sa planning session ng PBA board ang magiging format ng tatlong komperensiya sa bagong season, pati na rin ang height limit ng mga imports para sa Commissioner’s Cup at Governors’ Cup.

Samantala, sinabi ni Non na nangako si Narvasa na lalo niyang pagbubutihin ang officiating sa PBA na ilang beses na binatikos ng mga coaches ng liga.

“Officiating, more or less, was discussed, as well as some other matters he would like to bring up with the board later on,” dagdag ni Non.

Tatagal ang planning session ng PBA board hanggang sa Agosto 13 at ang rookie draft ng liga ay gagawin sa Agosto 23 sa Robinson’s Place Manila.

Magbubukas ang bagong PBA season sa Oktubre 18. (James Ty III)

About James Ty III

Check Also

Zeus Babanto Combat sports championship

Combat sports championship, nakatakda sa pebrero 2025

NAGSAMA-SAMA ang ang mga kilalang tao sa mundo ng martial arts upang ipagdiwang ang kahanga-hangang …

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Michael Concio, Jr Timur Gareyev

P.1-M nasungkit sa Armageddon tie-break
FILIPINO IM CONCIO GINULAT SI UZBEK SUPER GM GAREYEV

Oroquieta City — Nagpamalas ng husay si International Master Michael Concio, Jr., ng Filipinas sa …

Xiandi Chua Philippine Aquatics Inc PAI

Chua, nakahirit pa sa World Cup, 3 bagong marka ng PH nakamit

IBINIDA ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ang matikas na pagtatanghal ng National Team nitong weekend …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *