Wednesday , November 20 2024

Author ng Fashion Pulis site kalaboso sa kasong Libel na sakop ng Cybercrime Law Republic Act 1O175

081215 Deniece Cornejo
NAGTAGUMPAY nga siguro si Michael Sy Lim, owner ng blogsite na Fashion Pulis sa hangarin na makaagaw nang pansin sa mga inilalabas na explosive news, sa ating famous celebrities na karamihan ay fabricated lang naman ang istorya.

Pero ngayon ay tiklop ang mapanirang bading dahil kahapon ay inaresto siya ng mga pulis-Crame dahil sa kasong libel na isinampa sa kanya ng People of the Philippines.

Sakop ng Cybercrime Law Republic Act 10175 Prevention Act of 2012 ang isinampang kaso bilang pagtatanggol kay Deniece laban kay Lim dahil sa paninira sa celebrity model-stylist-entrepreneur sa Fashion Pulis.

Inilathala niyang maysakit raw na STD, ang celebrity product endorser na hindi naman totoo dahil nagkaroon lang ng mild UTI na nagamot naman agad ng kanyang doctor.

Very damaging para kay Deniece ang nasabing malisyosong tsismis lalo’t involve sa ilang negosyo, may career at nag-aaral pa sa La Salle College para sa kursong Hotel Restaurant and Management.

Siyempre apektado rin dito ang kanyang pamilya na labis na nasaktan sa ginawa ng nagmamagandang author ng nasabing site.

Siguradong matutuwa kay Deniece at sa special friend nito na si Atty. Ferdinand Topacio na kanyang legal counsel rin ang lahat ng mga artistang biktima ng mga imbentong balita ni Michael.

Base sa record na aming nasilip sa Camp Crame, nakasampa sa kanyang kaso ang People of the Philippines vs Michael Sy Lim Criminal Case No. 15-50252 for libel in relation to Sec. 4(c) 4 of R.A. 10175 at ang naisyuhan na nga ng warrant of arrest at napiit sa Camp Crame sa EDSA.

Isang malaking leksiyon ang nangyaring ito kay Lim, kaya dapat mag-ingat ang iba pang mga nagmamarunong na mga blogger diyan na nagsulputan na lang na parang mga kabute.

Siyempre hindi naman namin nilalalat dahil may matitino rin naman kaming mga kaibigang bloggers ‘no!

To Michael magdusa ka na lang gyud (peram po Tita Nida-SLN)!

PILOT EPISODE NG JADINE TELESERYE NAGPAKILIG AGAD NG VIEWERS, OTWOL HUMAMIG NANG MAHIGIT 2 MILLION TWEETS

080515  james nadine jadine

Kahit naimbitahan na kami sa matagumpay na special screening ng “On The Wings of Love” na ginanap last week sa Cinema 7 ng Trinoma Mall at kahit napanood na namin ang pilot week nito kasama ng aking mga kids ay tumutok pa rin ang inyong columnist sa pilot episode nito noong Lunes.

Grabe, tama nga ang BFFT kong Pete A., sa komentong walang dull moment sa bagong serye ng Dreamscape Entertainment topbilled by one of our hottest loveteam of today’s generation James Reid and Nadine Lustre.

Yes umpisa pa lang ay ramdam mo nang hindi ka mababagot sa soap kahit regular itong susubaybayan gabi-gabi. Paano, kompleto sa tema na may drama, comedy, at umiikot sa kuwento ng pamilya at buhay OFW at higit sa lahat grabeng magpakilig dito sina James at Nadine.

Walang viewers na ‘di kikiligin sa tandem na umaapaw talaga ang chemistry sa isa’t isa. At ngayong nakarating na si Nadine sa San Francisco, USA abangan sila ni James at Ms. Cherry Pie Picache sa pakikipagsapalaran nila sa Amerika.

Sa tindi ng arrive at lakas ng feedbacks ng “On The Wings of Love” ay humamig ang serye sa pilot episode nito sa hashtag na #OTWOL Arrival ng mahigit na 2 million tweets na topped Twitter’s World trends noong araw na ‘yon.

Mapapanood ito pagkatapos ng ka-back to back nilang love-serye na Pangako Sa ‘Yo.

DAHIL VERY FUNNY AT KILIG NA #KALYESERYE NG ALDUB RATING NG EAT BULAGA TRIPLE ANG ITINAAS

072815 alden yaya dub

Muli na naman gumawa ng record o history ang Eat Bulaga sa mundo ng telebisyon sa kanilang very funny at kilig na #Kalye-Serye ng tambalang AlDub nina Alden Richards at Maine Mendoza a.k.a Yaya Dub.

Siyempre kasama ng dalawa sa pagpapasaya araw- araw ng televiwers mula Batanes hanggang Jolo sina Lola Nidora (Wally Bayola), Frankie Arenoli (Jose Manalo) at mga karagdagan pang karakter na napapa- nood nga Lunes hanggang Sabado sa segment ng Bulaga sa “Juan For All, All For Juan” na “Problem Solving.”

Imagine magmula sa mga problemang idinadaing sa JOWAPAO (Jose, Wally at Paolo Ballesteros) ng ating mga Dabarkads, sa iba’t ibang barangay na kwela ang ibinibigay na payo ng tatlo, ngayon ay isa na itong KalySerye na sinusubaybayan ng ating mga kababayan sa buong Pinas ganoon na rin sa ilan pang bansa sa Asya at sabi ay kinagigiliwan na rin ang AlDub sa iba’t ibang panig ng Amerika na subscribers ng GMA Pinoy TV.

‘Yung pagkakasakit nga ni Yaya Dub noong Sabado nanahilo siya at bumagsak habang ikinakasal kay Frankie ay naging top trending topic sa social media.

Kaya patok ang serye nina Alden at Yaya Dub sa Eat Bulaga kasi enjoy ang lahat sa unique at very funny nilang palabas. Dahil sa hit na hit nga kahit saan ang AlDub ay triple ang itinaas ng rating ng EB sa AGB Nielsen Mega Manila na as of presstime ay umaabot na sa rating na 32.4% ang nasabing no.1 and longest-running noontime variety show.

Sobang nakalulula ang kanilang ratings gyud!

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Nova Villa Noel Trinidad Tessie Tomas

Asawa ni Nova 7 taon nang nasa banig ng karamdaman 

RATED Rni Rommel Gonzales SA loob ng kung ilang dekada ay aktibo sa pelikula at …

Shea Tan Ruffa Mae Quinto

Rufa Mae nalunasan sobrang pagpapawis ng kili-kili

MATABILni John Fontanilla HINDI nagdalawang isip si Rufa Mae Quinto na tanggapin ang isang produktong makatutulong para …

Tulfo, researcher at iba pa sinampahan kasong cyber libel ni Ginco 

HATAWANni Ed de Leon NAGSAMPA ng demandang cyber libel ang dating program manager ng TV5 na si Cliff …

Karla Estrada Kathniel Daniel Padilla Kathryn Bernardo

Karla Estrada may ibubunyag ukol sa KathNiel

HATAWANni Ed de Leon WALA namang sinabi si  kung ano ang ilalabas niyang revelations tungkol …

Chelsea Manalo Victoria Kjær Theilig

Chelsea Manalo itinanghal na Miss Universe Asia; Miss Denmark Victoria Kjær Theilvig Miss Universe 2024

HINDI man pinalad makapasok sa Top 12 at maiuwi ng pambato ng Pilipinas ang Miss Universe …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *