Aries (April 18-May 13) Ang wild imagination at emotional instability ay posibleng magdulot ng financial losses.
Taurus (May 13-June 21) Ang araw ngayon ay may taglay na negative trends. Posibleng ang iyong pagsusumikap ay hindi magdulot ng ninanais na resulta.
Gemini (June 21-July 20) Maaaring may mga tuksong posibleng magdulot ng kaguluhan. Ito ay posibleng sa aspetong pinansiyal o personal na relasyon.
Cancer (July 20-Aug. 10) Ang sobrang pagpapahalaga sa sarili at ang pagpasa sa iba sa iyong pagkakamali ay posibleng maging hadlang sa iyong sariling paglago.
Leo (Aug. 10-Sept. 16) Ang araw ngayon ay hindi mainan sa pagpapatupad ng creative ideas sa mga kasong may kaugnayan sa pamumuhuan.
Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Posibleng sa araw na ito matupad ang matagal nang pinapangarap para sa personal na buhay.
Libra (Oct. 30-Nov. 23) Maaaring sa araw na ito ay makawala ka na sa mga negatibong nakaraan at masamang bisyo.
Scorpio (Nov. 23-29) Ilaan ang araw na ito para sa nakatatandang mga kaanak, kailangan nila ang iyong suporta.
Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Posibleng hindi mo mapipigilan ngayon ang pagiging emosyonal. May hindi inaasahang mangyayari na iyong ikalilito.
Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Masuwerte ang araw na ito sa mga transaksiyon sa negosyo o sa planong paglalagay sa tahimik.
Aquarius (Feb. 16-March 11) Ang araw na ito ay posibleng magdulot sa iyo nang magandang kalusugan. Ang relasyon ay babalik sa normal.
Pisces (March 11-April 18) Maaaring ang bagong romantic affair ay hindi magiging malalim katulad ng iyong inaasam.
Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Maaaring hindi mo maresolba ang hindi inaasahang lulutang na mga problema.
ni Lady Dee