Tuesday , September 10 2024

Dagdag suweldo sa gov’t employees patuloy na ipinaglalaban ni Sen. Sonny Trillanes

trillanesPATULOY ang pagsisikap ni Senator Antonio “Sonny” Trillanes IV na maisabatas ang Senate Bill No. 2671 o ang Salary Standardization Law 4.

Sabi niya, “Ito ang gusto nating iwang regalo ni President Aquino sa mga kawani ng gobyerno, kabilang ang mga guro, pulis at sundalo,  na walang humpay ang pagtulong sa kaniya upang makamit ang mga reporma para sa ating pamahalaan.”

Sa ilalim ng panukala, isasaayos ang kasulukuyang base pay schedule at mga posisyon ng lahat ng kawani sa gobyerno. Ang may pinakamababang posisyon ay magsisimula sa Salary Grade 1, at ang pinakamataas naman, ang Presidente, ay Salary 33.

Ang pagsasaayos ng mga posisyon at salary grade ay nakabatay sa kakayahan, uri ng trabaho, at responsibilidad na nakaatang sa isang posisyon.

Sa isinaayos na salary scale, ang suweldo ng pinakamababang empleyado ng gobyerno ay magiging P16,000, mula sa kasalukuyang P9,000  na natatanggap.

Para naman sa mga sundalo, ang base pay ng isang candidate soldier ay aabot sa P23,000 at P550,000 naman para sa four-star general.

Ayon kay Trillanes ang SSL 4 ay isang magandang panukala na sumusuporta sa pamahalaan laban sa korupsiyon.

Dahil sa mas mataas na pasahod, ang mga kawani ng gobyerno ay maiiwasan nang gumawa ng mga ilegal na gawain para lang madagdagan ang kakarampot na kinikita nila.

Kung sapat ang kanilang kinikita, itutuon nila ang kanilang panahon at enerhiya sa maayos na pagsisilbi sa publiko at makatutulong nang malaki sa pagkakaroon nang mas maayos na pamamahala.

Bilang Chairman ng Senate Committee on Civil Service and Government Reorganization, naniniwala si Senator Trillanes na ang mga kawani ng gobyerno ang nagsisilbing unang mukha ng ating pamahalaan sa pagbibigay ng serbisyo sa publiko.

Sila ang sandigan ng mabuting pamamahala at administrasyon sa bansa kaya naman mahalaga na masiguro ng ating gobyerno na nabibigyang-pansin ang kanilang mga pangangailangan.

Umaasa si Senador Trillanes na ang SBN 2671 kanyang inisponsor sa plenaryo ng Senado at kasulukuyang nakabinbin sa Ikalawang Pagbasa ay maaaprubahan bago matapos ang termino ni PNoy.

Senator Trillanes, Sir, hindi lang ikaw ang naghihintay, ipinagdarasal ng mga government employees na magtagumpay ang pagsusulong mo ng SBN 2671…

Ngayon pa lamang ay nagpapasalamat na sila sa inyo dahil nakita nila ang iyong TUNAY na malasakit sa public sector…

Mabuhay ka Senator Trillanes!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *