MAAARING pasukin ang wetpu at alamin kung ano ang nangyayari sa loob nito sa malaking exhibit na tampok sa Japan.
Sa Kara no Fushigi Daibouken o “The Mysterious Great Adventure of the Body,” ayon sa gaming website Kotaku, maaaring pumasok sa loob ng katawan ng tao sa pamamagitan ng anus, at may matututunan dito.
Sa nasabing exhibit, na itinayo ng TV Tokyo, maaaring tuklasin ng mga bata ang masalimuot na katawan ng tao mula sa ilong patungo sa loob nito, at alamin ang ‘gross stuff’ katulad ng kung saan lumalabas ang popo.
Kung nais itong maranasan, magtungo sa Japan at bisitahin ang Saitama Super Arena sa Saitama City, bago ito matapos sa Agosto 22.
Kung hindi naman ay panoorin ang TV Tokyo’s promo vid para masaksihan ang kakaibang exhibit na ito. (THE HUFFINGTON POST)