Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bosero bugbog sarado (Huli sa akto ng promo girl)

BUKOL at pasa ang inabot ng isang manyakis na lalaki makaraan pagtulungan gulpihin ng mga tambay nang mahuli sa aktong namboboso gamit ang cellphone sa promo girl na kanyang kapitbahay habang naliligo ang biktima sa Caloocan City kamakalawa ng umaga.

Bagsak sa kulungan ang suspek na Mark Louie Manuel, 20, residente ng P. Galauran St., 7th Avenue Grace Park ng nasabing lungsod, nahaharap sa kaukulang kaso.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong 7 a.m. nang mahuli sa akto ang suspek habang sarap na sarap sa pamboboso sa hubo’t hubad na naliligong 24-anyos babaeng kapitbahay.

Sinasabing napansin ng biktima ang kamay na may cellphone na nagre-record sa kanya habang naliligo dahilan upang humingi ng tulong.

Inabutan ng mga tambay sa bubong ang suspek kaya sapilitan siyang pinababa saka pinagtulungang gulpihin saka dinala sa himpilan ng pulisya upang sampahan ng kaso.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …