Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Racal Accel Quantum-3XVI Player of the Week

080415 Kevin Racal

MARAMI ang nagulat sa ipinakikita ng Letran Knights, walang nag-aakalang nasa tuktok sila ng team standings ng NCAA Season 91.

Kulang sa height ang mga bataan ng bagong coach na si Aldin Ayo pero tinalo ng Intramuros-based squad Letran ang mga matatangkad na teams tulad ng five-time defending champion San Beda College Red Lions at Perpetual Help Altas.

Isa sa mga naghirap para ilista ng Knights ang malinis na anim na panalo ay si Kevin Racal matapos nilang talunin ang Arellano University Chiefs, 77-68.

Kumana si Racal ng 24 points kasama ang tatlong three-point shot at limang rebounds upang iposte ng fifth-year forward ang best game bago matapos ang first round.

“We’re so small, I’m using K-Racs (Racal) as a four when he usually plays two or three,” ani Ayo.

At sumapat ang ipinakitang tikas ni Racal para tanghaling ACCEL Quantum-3XVI/NCAA Press Corps Player of the Week award.

May Average na 11.8 points, 5.6 rebounds at 2.0 assists si Racal na unti-unting bumabalik ang dating laro matapos malasap ang ACL injury nung nakaraang taon.

Sa huling laro nila kontra last season’s runner-up, ipinakita ni Racal na naka recover na ito sa kanyang injury. (ARABELA PRINCESS DAWA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Arabela Princess Dawa

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …