Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Justice for Ozu Ong, sigaw ng netizens

080615 ozu ong Camay Cojuangco
Ozu Ong at Camay Cojuangco

HANGGANG  ngayon ay marami pa rin ang ‘di makapaniwala  na patay na ang guwapo, hunk, at very talented member ng Masculados Dos na si Ozu Ong. Kinarnap ang kanyang kotse at sakay siya pinatay dahil nanlaban daw.

Napakabilis ng pangyayari samantalang few days back ay nakita ko pa ang masayang si Ozu at ang mga kasama niyang Masculados sa Bohol kasama ang manager nilang si Direk Maryo J. delos Reyes.

Lingid sa kaalaman ng marami, si Ozu ay may girlfriend, si Camay Cojuangco ng Baywalk Bodies pero never naming isinulat ang kanilang relasyon dahil baka makasira sa kanilang career at sa pakiusap na rin ni Camay na close sa inyong lingkod.

May anak sila, dalawa.

Nang  mabuwag ang Baywalk Bodies ay napunta naman si Camay sa grupong Batchmates bilang si Vasia San Luis.

Ngayong wala na si Ozu, siguro panahon na para malaman ng publiko na may isang taong labis namimighati at nangungulila sa kanya, si Camay aka Vasia.

Nasambit ni Camay aka Vasia sa kanyang FB Page na, ”Alam ko, gustong gusto mo ng nakakabasa ng tungkol sa ‘yo d2 sa facebook ko.

“Heart, nag iisa ka sa buhay ko at habambuhay kitang mamahalin. Sobra kitang mahal, mahal na mahal na mahal na mahal, hintayin mo ko ha. magkikita rin tayo. wag ka hihiwalay sakin. nag iisa ka sa buhay ko. Marcelo Ong a.k.a Ozu Ong till we meet again. Gusto ko, yakapin mo akoaraw araw minuminuto. till we meet again Heart.”

Heart pala ang tawagan nina Camay at Ozu.

Napakabata pa ni Ozu para iwanan ang kanyang mag-iina. Marami pa sanang magagandang opportunity na darating sa kanyang buhay, sa career ng Masculados.

Justice for Ozu Ong ang isinisigaw ng Netizens ngayon.

Ngunit ang tanong, may nakasaksi ba sa nangyari?

At kung mayroon man, may sapat ba itong tapang para isiwalat ang lahat gayung isang sindikato ang kanyang makakalaban?

Grabe na talaga ang kasamaan ngayon sa mundo.

Hindi naman pinulot lang sa kalsada ni Ozu ang pera na ipinambili ng  kotse. Ilang taon niya itong pinag-ipunan, ilang shows ang kanyang binuno bago makuha ang dream car na iyon.

Okey lang sana kung kotse lang ang tinangay, pinatay pa siya.

Kay Camay, magpakatatag ka, ipasa-Diyos mo na lang ang lahat. Hindi natutulog ang Diyos at  marami pa rin ang naniniwala sa hustisya.

Narito ang larawan nina Ozu at Camay habang lulan ng isang bus nang magbakasyon sila kamakailan sa Ilocos.

MAKATAS – Timmy Basil

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Timmy Basil

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …