Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jeric, magiging aktibo na naman sa paggawa ng pelikula

080615 jeric raval
BANG! Bang!

‘Yun pa rin ba ang matutunghayan ng mga manonood sa itinutulak ng mga action star na gaya ni Jeric Raval?

“Bang! Bang! naman na may magandang pinag-uugatan ng istorya ang hatid ng aming ‘Manila’s Finest na hinango ni direk Willie Mayo sa tunay na buhay ni Colonel Jimmy Tiu. Back in the 80s, isa siya sa ipinagmamalaking Pulis Maynila sa nasabing lungsod. At ito na rin ang isa sa gustong ibalik din ni Col. Tiu sampu ng kanyang mga kasamahan sa kinilalang Manila’s Finest bilang inspirasyon sa ating mga pulisya sa kasalukuyan. Mas marami na kasi ‘yung nababahiran ng kanegahan at natatapakan naman ang ibang gumagawa ng maganda sa serbisyo.”

Kung inaakala ng maraming matagal ng ihinanger ni Jeric ang kanyang leather jacket at nanahimik na sa buhay, ilang taon din pala siyang naging bahagi ng staff at consultant ng kababayan niyang si Senator Lito Lapid.

“Pero may mga pagkakataon pa ring lumalabas-labas ako sa mga show na gaya ng ‘MMK’ (Maalaala Mo Kaya).”

Kahit na nakita na ni Jeric ang mga ikot sa politika, hindi naman daw kasama sa plano niya ang pagtakbo.

“Hindi ko naman isinasara ang pintuan pero naniniwala rin kasi ako na puwedeng makatulong kahit walang posisyon sa gobyerno. At saka nakita ko na lahat…”

Pangit? Hindi niya kaya?

Isa rin palang kapatid sa INC (Iglesia ni Cristo) ang aktor. At kasama rin siya sa nagugulumihanan sa mga debateng nagaganap sa kanilang mga pinuno.

Isa ba ‘yun sa rason kung bakit in the past, na-blind item siya sa isang eksenang sexy na pinaghuhubad na siya ng leading lady niya eh, nangatwiran pa siya na hindi siya maghuhubad dahil action star siya.

Nakatutuwa at nakatatawa si Jeric na umaamin sa mga naging blind item sa kanya noong araw. Kung lahat sana ng artista eh, gaya niya, na in the end maaamin pa rin ang lahat.

Suplado kasi noon si Jeric. Pinapangatawanan talaga ang pagka-macho na action star. At kung makikita ito ngayon, halos walang ipinagkaiba ang hitsura noong peak niya.

Acting runs in the blood. At ito raw ang hudyat na magtutuloy-tuloy na siya muli sa paggawa ng pelikula sa tulong din ng kanilang producer na si Prince Armodoval.

Viva Films ang magri-release nito na tampok din sina Bangs Garcia, Rich Asuncion, Mark Anthony Fernandez, Jethro Ramirez, Jao Mapa with special participation of Rommel Padilla.

Nakahanda na ang susunod nilang proyektong Peacekeeper. Na tungkol pa rin sa mga alagad ng batas.

HARDTALK – Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …